PAREHONG ine-enjoy ngayon ng dating miyembro ng grupong Smokey Mountain na si Jeffrey Hidalgo ang pag-aartista at pagdidirek.
Napapanood ang binata sa Kapamilya series na “Flower of Evil” nina Piolo Pascual at Lovi Poe and at the same time nagdidirek din siya ng mga pelikula para sa Vivamax.
Una ngang nakilala si Jeffrey noong 1989 bilang bahagi ng iconic OPM group na Smokey Mountain kasama sina Geneva Cruz, Tony Lambino at James Coronel.
Siya ang nagdirek ng sex drama na “Eva” na ipinalabas sa Vivamax last year at pinagbidahan ng palabang sexy star na si Angeli Khang. After this, muli siyang binigyan ng protekto ng Viva, ang “Lampas Langit” na mapapanood na sa darating na August 19 sa Vivamax.
Kuwenti ng singer-actor at direktor, “Matagal na itong script ni Racquel Villavicencio and supposed to be my follow-up to ‘Silong’, but now it landed with Vivamax.
“Directing is what I enjoy the most now. This a drama-thriller na hindi naman ganu’n ka-sexy, but we know the target audience for Vivamax so we tailored it for their viewers and the sex element made it darker,” aniya.
In fairness, mukhang kinalimutan na ni Direk Jeffrey ang kanyang wholesome image bilang singer, “Noon ko pa tinatarget ang erotic genre. I’m fascinated with dark materials and ‘Lampas Langit’ is very dark.
“It’s the kind of mind-fuck film that will make you think from start to finish. Kakabahan ang viewers habang nanonood sila,” ankiya pa,.
Pagkukumpara naman ng direktor sa huling pelikula niyang “Eva” at “Lampas Langit”, “Magkaiba naman sila. ‘Lampas Langit’ is darker, maraming love scenes dito, but lahat, may specific objective. Hindi siya basta sex scenes lang, kasi it’s really about manipulation.
“So later on, after watching it, sana don’t post anything para there won’t be spoilers. I’m lucky to have a very strong ensemble cast. They really delivered,” sabi ni Jeffrey.
Isang Vivamax Original Movie, ang “Lampas Langit” ay isang sexy romance-thriller na pinagbibidahan nina Christine Bermas, Baron Geisler, Ricky Davao, Chloe Jenna, Ivan Padilla, Milana Ikemoto at Quinn Carrillo.
Kwento ito ni Jake (Baron), isang struggling writer na problemado rin sa asawang si Mylene (Chloe). Sa condominium na tinitirhan nila, makikilala ni Jake ang sikat na manunulat at ang literary idol niyang si Arman (Ricky), kasama nito ang palagay nilang anak niyang dalaga na si Belle (Christine Bermas). Mapapalapit ang loob ni Jake kay Belle at magkakaroon sila ng sikretong relasyon.
Malalaman ni Arman at Mylene ang tungkol sa relasyon ng dalawa, at dito na isa-isang magbubunyag ang iba’t ibang sikreto, pati na ang lihim sa totoong pagkatao nina Arman at Belle.
Magsisimula na ring magtaka at mapaisip si Jake sa mga paghihirap na nararanasan nila, pero ang inaakalang mapait at mapaglarong kapalaran ay isa palang planong matagal nang hinanda at pinag-isipan, na parang isang magandang nobela.
https://bandera.inquirer.net/312225/relasyon-nina-geneva-cruz-at-jeffrey-hidalgo-totohanan-na-nga-ba
https://bandera.inquirer.net/298939/eva-ni-jeffrey-hidalgo-sex-kung-sex-ang-laban-ipalalabas-sa-mismong-christmas-eve
https://bandera.inquirer.net/298594/jeffrey-hidalgo-nagpaka-wild-na-rin-bilang-direktor-angeli-khang-tumodo-na-sa-paghuhubad