Arjo Atayde inaming 'more than a year' ang pagpaplano ng proposal kay Maine Mendoza | Bandera

Arjo Atayde inaming ‘more than a year’ ang pagpaplano ng proposal kay Maine Mendoza

Therese Arceo |August 12,2022
facebook
share this

Arjo Atayde inaming ‘more than a year’ ang pagpaplano ng proposal kay Maine Mendoza

Therese Arceo - August 12, 2022 - 01:15 PM

Arjo Atayde inaming 'more than a year' ang pagpaplano ng proposal kay Maine Mendoza

MATAPOS ang viral proposal ni Arjo Atayde sa kanyang girlfriend na si Maine Mendoza, ngayon pa lang ang unang pagkakataon na makakapagkuwento siya ukol rito.

Sa kanyang panayam kay MJ Felipe sa “TV Patrol” ibinahagi ng actor-politician ang mga detalye sa naganap na proposal niya sa showbiz dyowa.

Kwento ni Arjo, clueless talaga si Maine at walang kaalam-alam na ang araw na yun ang isa sa mga araw na hindi niya makakalimutan.

Bukod pa rito, mahigit isang taon daw ang naging pagpaplano ng actor-politician para sa wedding proposal sa “Eat Bulaga” host.

“I’ve been planning… more than a year and I’m grateful it happened the right time. So, I just really waited for everything kasi may mga, of course, may mga nangyari and everything,” pagbabahagi ni Arjo.

Aniya, sinakto raw talaga niyang July 28 mag-propose dahil ito rin ang petsa kung kailan sila nagkakilala 4 years ago.

Unang nagpaalam at humingi ng basbas si Arjo sa mga magulang ni Maine bago niya ito yayain na magpakasal.

“The parents of Maine are very loving, very understanding, very giving to me ever since and I’m very thankful,” pagpapatuloy niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)

Wala namang ibinahagi si Arjo tungkol sa detalye ng magiging kasal nila dahil ipinapaubaya na raw niya ito sa kanyang fiancè.

Ngunit kailan nga ba magaganap ang kasal? Magiging long engagement nga ba ang ganap nila?

“You know, for me, that’s her to answer… because that’s Maine’s decision for now. For me, I’m just here for whatever she wants, I’m ready,” sagot ni Arjo.

Ibinibigay raw niya ang pagdedesisyon sa kasintahan kung kailan nito nais magpakasal pero kung siya ang tatanungin, matagal na siyang handa bago pa siya nag-propose at anytime ay handa siyang pakasalan si Maine.

“To be honest, I’ve decided since, even before I’ve asked her, anytime. Anytime. It’s really a matter of us talking. This is a big step in our life, it’s another milestone, eventually have kids,” sey ni Arjo.

Pero bago pa man sila magpakasal ay nais muna nilang magbiyaheng dalawa.

Ikinuwento naman ni Arjo na excited na ang kanyang inang si Sylvia Sanchez na maging lola.

“O, siyempre. Sabi nga ni Arjo, ‘Mommy, relax muna, relax muna, kaka-propose lang’,” natatawang sabi ni Arjo.

Matatandaang nitong Hulyo 28 nang mag-propose ang actor-politician kay Maine sa isang beach resort sa Batangas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Maine Mendoza, Arjo Atayde ginulat ang netizens: Wait, whaaaat??? We’re engaged?!

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Arjo muling ibinandera ang pagmamahal kay Maine: I love you in all ways, more and more…every day!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending