Maja sure na walang kaagaw sa bf: Hindi po taksil si Gerald!

Gerald Anderson at Maja Salvador INQUIRER

SIGURADO si Maja Salvador na hindi siya iniiputan sa ulo ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson. Secured daw ang magaling na aktres at dance diva na siya lang ang babae sa buhay ng hunk actor.

Ayon kasi sa mga tsismis, bukod kay Maja ay meron pa raw dyowang iba si Gerald, ito raw ‘yung babaeng nakita sa Star Magic Ball na diumano’y palihim na nakipagkita kay Gerald nu’ng gabing ‘yun at wala raw kaalam-alam si Maja tungkol dito.

Sa presscon na ibinigay ng Star Magic kay Maja para sa kanyang matagumpay na 10th anniversary concert series, ang “Maja Unveils @ 10” sinabi ng aktres na natatawa na lang sila ni Gerald sa mga ganitong tsismis. Halata naman daw kasi na gawa-gawa lang ang mga ito para asarin sila.

“Ano eh, mahirap i-explain kasi, na sa industriya kami at marami’t maraming nali-link talaga, kaya dapat alam mo kung hanggang saan ka papatol sa mga tsismis na ‘yan,” sey ng dalaga.

Hirit pa ni Maja, “Kung may tiwala ka sa isang tao, panindigan mo lang ‘yung tiwalang ‘yun. Kasi mahirap pag mag-doubt ka sa isang taong malapit sa ‘yo. Tsaka, mas importante ang actions sa akin kaysa sa mga sabi-sabi.”

Dagdag pa ng aktres, kailangan daw matatag ang tiwala mo sa taong mahal mo, “Kailangan, oo. Ako, para sa akin po, sa umpisa ng relasyon, ‘yung trust talaga. Kasi pag ‘yon talaga ibigay mo, ‘yun ang ibabalik sa ‘yo. Kung anong ibibigay mo, ibabalik sa ‘yo.”

Hindi rin totoong naghiwalay sila ni Gerald kamakailan pero nagkabalikan din agad, “Ganu’n naman eh, hindi mawawala ‘yon.

Halos lahat mag-aabang ng break-up niyo, kung sino ‘yung susunod niyo. Basta ang pinaka-importante alam niyo sa isa’t isa na pinoprotektahan niyo ang isa’t isa at may tiwala kayo.”

“Sabi ko nga, siyempre ‘yung trust, ‘yung love, at para sa akin, never ka dapat mag-doubt sa partner mo. Ang pinaka-importante sa akin kasi ‘yung actions, hindi ‘yung mga words,” sey pa ni Maja.

Samantala, nagulat talaga kami kay Maja nang mag-sing and dance siya sa harap ng entertainment media sa naganap na presscon ng “Maja Unveils @ 10”, kering-keri na talaga niya ang maging concert artist. Kung mabibigyan pa ng chance ang dalaga sa concert scene, tiyak na meron na tayong Pinay version ni Beyonce!

Bukod sa ang seksi-seksi ngayon ni Maja, gumanda na rin ang boses niya. Sabi nga namin, kung kakaririn niya ang pagiging singer tiyak na hindi siya mapapahiya sa mga tao dahil total performer na nga ang package niya ngayon. No wonder, halos lahat ng leg ng kanyang concert series ay matagumpay.

Nagpapasalamat din si Maja sa mga kaibigan niyang sina Kakai Bautista, Young JV at Thou Reyes dahil sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya na lagi niyang kasama sa kanyang mga show. Ang kinikita ng kanyang concert ay mapupunta sa tinutulungan niyang charity institution na Ephesus.

Abangan ang pagpapatuloy ng “Maja Unveils @ 10” sa SM San Lazaro (Sept. 28), sa NCCC Mall, Davao City on Oct. 5; at sa Nov. 9 sa KCC General Santos Convention Center. Makakasama niya rito sina Rayver Cruz, Kakai, Thou at Young JV. Kasama rin ni Maja rito ang mga choreographers at dancers na sina Gerlo Maguiran ng CT Guyz, Nesh Janiola ng Hot Legs at ang Limited Edition.

 

Read more...