“KUNG wala si Tatang, wala si Lydia de Vega!” Yan ang ginawang pagpupugay ng tinaguriang sprint queen ng Pilipinas sa kanyang pinakamamahal na ama noong nabubuhay pa.
Nagluluksa ngayon ang sambayanang Filipino lalo na ang mundo ng sports sa pagpanaw ni Lydia de Vega matapos makipaglaban sa sakit na breast cancer. Siya ay 57 years old.
Mismong ang anak ng Pinay champ athlete na si Stephanie Mercado-de Koenigswarter ang nagbalita ng malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook kagabi.
Ito’y makalipas lamang ang halos isang buwan nang ihayag niya sa publiko na nasa “very critical condition” si Lydia dahil sa kanyang cancer.
Kasunod ng pagkumpirma ni Stephanie sa pagkamatay ng ina, bumuhos nga ang mga mensahe ng pakikiramay para sa mga naulila ng sprint queen, kabilang na riyan ang ilang personalidad mula sa mundo ng sports at senador.
Kung matatandaan, sa isang panayam, sinabi ni Lydia na napakatindi rin ng pinagdaanan niya sa kanyang sprinting career at kung paano siya tinulungan at sinuportahan siya ng kanyang ama at trainer na si Francisco “Tatang” De Vega.
Kapag umiiyak nga raw siya dahil sa tindi ng pressure habang nagte-training tuloy pa rin ang pagpu-push sa kanya ng ama.
“Minsan naiinis ako sa tatay ko, nagagalit ako. Wala ako magawa kasi tatay ko ‘yun, coach ko ‘yun, kailangan ko sumunod.
“Kapag pumupunta ako sa starting point, umiiyak ako. Galit na galit ako sa sarili ko. Ang dami-daming sports, bakit track-and-field ang napili ko, takbo lang ako nang takbo. Ang pahinga ko, lakad,” pahayag ni Lydia.
Aniya pa, “Kapag last na ‘yung workout, let’s say I’m doing 200 meters, dahil sa galit ko sa sarili ko at sa galit ko sa tatay ko, tatakbuhin ko talaga ng mas mabilis ‘yun.”
Pero nagbunga nga raw ang pagtitiyaga ng kanyang ama dahil nakaabot din siya sa “finish line” at gumawa pa ng kasaysayan sa buobg mundo.
“Hindi mo na iisipin mag-give up kasi na-prove mo sa sarili mo na, ‘kaya ko pala. Natatakot lang ako.’ Hindi ako pwede magpatakot sa iniisip ko. Kailangan ko magpadala du’n sa kakayanan ko,” aniya pa.
At sabi nga niya, “Kung wala si Tatang, wala si Lydia.”
Itinuturing na Philippines’ greatest athletes si Lydia de Vega na nakapag-uwi ng siyam na gold medals sa Southeast Asian Games at dalawang ginto sa Asian Games.
Huling public appearance ni Lydia ay sa opening ceremony ng 2019 Southeast Asian Games hosted by the Philippines.
https://bandera.inquirer.net/319307/sprint-queen-lydia-de-vega-nasa-kritikal-na-kundisyon-dulot-ng-stage-4-breast-cancer-pamilya-nanawagan-ng-tulong-dasal
https://bandera.inquirer.net/305900/wedding-ring-nina-vice-ganda-at-ion-perez-nabili-lang-sa-halagang-5-dollars
https://bandera.inquirer.net/316615/rico-blanco-maris-racal-unang-nag-date-sa-las-vegas-hulaan-nyo-kung-sino-ang-unang-nag-i-love-you