SIMPLE lang ang pagkakaintindi ko sa privilege speech ni Sen. Jinggoy Estrada noong isang araw. It was an indirect admission that he is at fault pero tama rin siya – why single them out? Bakit silang tatlo lang nina Sens. Bong Revilla at Juan Ponce Enrile ang masyadong nadidiin (pang-apat si Sen. Gringo Honasan)?
For me, that’s too much politicking on the part of Malacañang. Wala man lamang silang isinamang taga-administrasyon samantalang it’s an old-age practice – ang pagnanakaw sa kabang-yaman ng bayan. Sabi nga nila, mali ang panlalaglag ng kapwa pero may katwiran din naman si Sen. Jinggoy for naming names – kumbaga, dawitan na kung iyon ang gusto nilang mangyari kasi nga naman, they’ve been pointing their fingers directly to the three of them na wari mo’y kay lilinis. Dinig nami’y marami pang pasasabugin si Jinggoy, kaya wait na lang tayo.
O, paano na iyan ngayon? Nabuko na rin ang iba? Si Miriam Santiago, ano ang pinagpuputak mong parang wala nang bukas kung paglaruan mo ang mga kapwa mo senador samantalang marami ka rin palang itinatago? Si Sen. Jinggoy ang nagsabi niyan ha, hindi ako. Ha-hahaha! You still demanded that these accused must take a leave from work or resign eh, ikaw pala ay ganoon din.
Ikaw naman, Allan Peter Cayetano, kumusta naman ang PDAF mo na kiyemeng ginamit mo para sa mga echos sa Taguig? Masyado ka lang maingay sa senado pero wala ka namang nagawang matino actually. Puwes, the GRANDSTANDING AWARD goes to you!
At ikaw Kiko Pangilinan, hayan at ginalit n’yo pa si Sharon Cuneta ngayon. Magbibigay daw ang kafatid nating Shawie ng P10 million na pabuya sa makapagpapatunay na nagnakaw ang asawa niya sa pera ng gobyerno. Willing din daw siyang hiwalayan ito kung mapatunayang nagkasala. Lahat daw kasi ng pinagpondohan ng asawa niya ay legit. Ows?
Huwag ka ngang manipis masyado Shawie, kahit mahal kita ay handa akong makipagdebate sa iyo kung ipagpipilitan mong sobrang linis ng asawa mo. Para namang hindi galing sa angkan ng pulitika itong si Sharon. If there’s one person who knows politics more or better than we do, baka si Sharon na nga iyon. All her youth ay umikot ang buhay niya sa politics.