Tekla nakipagbalikan sa dating ka-live in: 'Nagdadalang-tao na naman ngayon si Michelle' | Bandera

Tekla nakipagbalikan sa dating ka-live in: ‘Nagdadalang-tao na naman ngayon si Michelle’

Reggee Bonoan |August 10,2022
facebook
share this

Tekla nakipagbalikan sa dating ka-live in: ‘Nagdadalang-tao na naman ngayon si Michelle’

Reggee Bonoan - August 10, 2022 - 07:46 PM

Super Tekla at Michelle Banaag

PAGKATAPOS mag-away na humantong pa sa pagrereklamo sa barangay at paghingi ng tulong sa programa ni Sen. Raffy Tulfo, nakipagbalikan na pala ang komedyanteng si Tekla sa ka-live in nito noong si Michelle Banaag.

Bukod sa pagbabalikan, buntis na raw uli si Michelle sa ikalawa nilang anak nila ni Tekla.

Pero gaano nga katotoo na tuloy pa rin umano sa pagsusugal ang comedian base na rin sa talakayan sa “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin at Morly Alinio with their guest co-host Wendell Alvarez.

Sa pagkakataong ito ay marami na ang natabangan kay Tekla na kabaligtaran noong una na maraming tumutulong at naaawa dahil nga may sakit ang panganay nitong si Angelo.

Bungad ni ‘Nay Cristy, “Nagdadalang-tao na naman ngayon si Michelle sa pangalawa (anak). Ang kuwento kasi marami ang natabangan kay Tekla. Bumalik na naman daw sa kanyang bisyo.

“Dalawang bisyo ‘yun, isang bisyo na itatapon natin dahil wala namang nagagawang maganda kahit sinong gumagamit. Ang ikalawa…(sabay baling kay Wendell),” pabiting sabi ni Nay Cristy.

“Ang ikalawa ‘yung mga e-games,  bingo. Ibig sabihin bumalik na naman si Tekla ro’n? Minsan nandoon din siya sa casino,” sabi ni Wendell na madalas din sa nasabing lugar dahil personal assistant siya ng kaibigan niyang madalas maglibang.

Dagdag pa ni Wendell, “Nakikita ko siya sa casino. Pag may pera malaki (taya) pero pag wala konti na lang taya niya.”

Hirit ni Morly, “Lulong talaga siya?”

“Hindi niya maiwasan. Isinadula pa ang buhay niya sa Magpakailanman na ang tanging dahilan kung bakit siya pumasok sa showbiz ay para maiahon ang pamilya sa hirap,” sambit naman ni Nay Cristy.

Say ni Morly, “Yun naman talaga ang unang plano natin Ate Cristy kaya tayo nagpapakahirap (at) nagpapakapagod para iahon natin ang ating pamilya.”

“Anong nangyari kay Tekla bakit muling bumalik sa bisyo?” tanong ni ‘Nay Cristy.

Isa si Willie Revillame sa tumulong din kay Tekla dahil kinuha siyang co-host sa “Wowowin” pero umalis nang walang paalam ang komedyante.

Ang punto ni Morly, “Nalulungkot ako kasi hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon kung anuman ang mayroon siya ngayon.  Ang tanong ko, ate Cristy wala ba siyang pagpapahalaga sa kanyang pamilya?”

“Palagay ko nadadala siya ng kapritso niyang pangsarili kasi kung meron, hindi niya gagawin ‘yan!” sagot ni ‘Nay Cristy.

At dito na binanggit na masama ang loob ni Willie Revillame kay Tekla.

“Umalis siya sa Wowowin nang walang paalam. Sa post na lang nakita ni Willie na wala na pala siya sa programa, wag ganu’n!  Pag pinahahalagahan ka ng tao, binibigyan ka ng magandang oportunidad, hawakan mon a, sunggaban mon a huwag mo ng pabayaan,” kuwento ni ‘Nay Cristy.

“Oo, hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataong hawak niya ngayon,” say naman ni Morly.

Dagdag pa, “Isipin mo totoo siyang lalaki pero kapag kumanta at kumilos siya kaya niyang maging bading.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Tekla tungkol sa isyung ito.

Super Tekla naiyak nang balikan ang nakaraang buhay

Matapos masangkot sa iskandalo…Tekla at Michelle nagkabalikan na?

Anak ni Super Tekla, nagpositibo sa COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending