Hindi kami aware pero marami ang nagtatanong sa amin kung totoong mayroon daw photo scandal sina papa Derek Ramsay at Cristine Reyes.
May mga nakita kaming postings (and re-posting) sa ilang social media ng pagiging happy couple nila pero nothing of that alleged scandalous photo (s?) na itinatanong sa amin ng nagsasabi pang malamang daw ay baka sa video pa galing?
Ang pinag-uusapan ngang photo diumano kapatid na Ervin ay yung parehong poses umano nina papa Derek at ex-GF niyang si Angelica Panganiban na may kung anong “dinudukot” sa loob ng shorts ng hunk actor. This time nga raw lang ay si Cristine Reyes umano ang gumagawa nito.
We have not seen such photos kaya type rin naming magtanong dahil bukod sa pagiging box-office actor at drama actor ng papa Derek namin eh, tinatawag na rin siyang “PADUKOT boyfriend” ngayon ng mga netizens.
Kung totoo raw kasi dati yung dukutan nina Derek at Angelica, eh ano daw ba ang imposible with Cristine this time na mas kilala ng madla na very daring, sexy and playful?
Naku, kumpareng Joji Dingcong (manager ni Derek), sagutin mo nga kami? Ha-hahaha!