MATUTUPAD na nga kaya ang ultimate dream ngayon ni Liza Soberano na makagawa ng mga bonggang projects sa Hollywood?
Totoo kaya ang kumakalat na chika na makakasama ang girlfriend ni Enrique Gil sa Hollywood movie na “Lisa Frankenstein” na pagbibidahan ng American actor na si Cole Sprouse sa direksyon ni Zelda Williams?
Na-excite ang mga fans ni Liza tungkol sa nasabing pelikula matapos makita ang pag-tag ni Jessie Stafford ng event production agency na JSLA Events sa IG account ng aktres ng tungkol sa “Lisa Frankenstein”.
Makikita sa post ng isa pang “Lisa Frankenstein” star na si Kathryn Newton, ang isang clapper at director’s chair na kuha sa first shooting day ng Hollywood film kahapon.
“Sending you and your team all the amazing energy to kill this film,” ang caption ni Jessie Stafford.
Naka-tag din sa post ang Transparent Arts, ang talent management na humahawak naman sa career ni James Reid sa Amerika. Si James ang tumatayong manager ni Liza sa US.
Nang i-check namin uli ang nasabing Instagram Stories ay wala na ito sa IG account ni Jessie Stafford pero marami na ang nakapag-screenshot nito kaya kumalat agad sa social media.
Sa mga hindi pa masyadong aware, ang direktor ng “Lisa Frankenstein” na si Zelda Williams ay anak ng yumaong Hollywood superstar na si Robin Williams habang si Kathryn Newton naman ay napanood sa HBO mystery drama “Big Little Lies” at sa Netflix teen series na “The Society.”
Si Cole Sprouse naman ay isa ring American actor na nakilala sa Disney Channel series na “The Suite Life of Zack & Cody.
Wala pang official statement ang kampo ni Liza tungkol sa nasabing Hollywood movie.
https://bandera.inquirer.net/314697/liza-may-mas-matinding-dahilan-kung-bakit-gustong-magka-career-sa-us-paano-na-nga-kaya-si-enrique
https://bandera.inquirer.net/280978/lisa-ng-blackpink-kinopya-ni-mimiyuuuh-homaygad-kala-ko-nasa-bahay-namin-siya-ako-lang-pala
https://bandera.inquirer.net/284349/true-ba-liza-lalaban-sa-miss-universe-ph-next-year-matapos-matalo-si-rabiya