POSIBLENG iuwi sa Pilipinas ang labi ng La Primera Contravida at award-winning actress na si Cherie Gil.
Balitang pinag-uusapan pa ng pamilya ng yumaong veteran actress at movie icon ang tungkol sa mga detalye at inaasahang maglalabas muli sila ng official statement hinggil dito.
Marami ang umaasa na sana’y matuloy nga ang pag-uwi sa labi ni Cherie Gil sa bansa lalo na ng kanyang mga kaibigan at fans para mabigyan sila ng pagkakataon na masilip at masilayan ang aktres sa huling pagkakataon.
Ngunit sabi naman ng ilang supporters ng premyadong aktres, okay lang din naman kung hindi siya mabibigyan ng burol dito sa Pilipinas. Ipagdarasal na lamang daw nila ang katahimikan ng kaluluwa ni Cherie.
Samantala, kung babalikan naman ang mga naging pahayag noon ni Cherie, isa raw sa mga paborito niyang teleserye na nagawa niya ay ang “Dolce Amore” na ipinalabas sa ABS-CBN.
Sa pamamagitan ng Facebook, inalala ni Cherie ang pagkakataong ginagawa nila ang naturang ABS-CBN series kung saan nakasama niya sina Enrique Gil, Liza Soberano at Matteo Guidicelli.
Gumanap ang beteranang aktres bilang si Luciana Marchesa, ang nanay ni Liza playing the character of Serena Marchesa sa “Dolce Amore” na umere noong 2016 na karamihan sa mga eksena ay kinunan pa sa Italy.
Nag-post ang magaling na kontrabida sa FB habang pinanonood niya ang kanilang serye sa iWant TV.
“Revisiting DOLCE AMORE. One of my favorite roles on a teleserye.
“Great memories, great trips to Italy, great bonds of friendships and amazing performances by all and not to mention great story telling.
“Ahhh … these are times when I miss acting,” ang pahayag ng yumaong aktres.
Dagdag pa niya, “Thank you Star Creatives and ABS-CBN for continuously being there with good material no matter.
“Of course, I can’t thank INANG , Olive Lamasan and Ms. Malou Santos enough for a gift of a role.
“To our amazing directors @cathygarcia and Mae Cruz Alviar ! Bravo! Sending love to the cast and to both my ‘anaks’. Good times,” sabi pa ni Cherie Gil.
Ipinagluluksa rin ngayon ni Liza ang pagpanaw ng kanyang “Mama Luciana”. Sa Instagram, nag-post siya ng litrato at video clips nila ni Cherie na magkasama.
“Had the honor and privilege of working side by side with one of the industry’s greatest @macherieamour.
“Will forever be guided by your lessons and philosophies in acting and in life.
“You left us way too soon but your art and soul will remain with us forever. Thank you. May you rest in eternal peace,” mensahe ni Liza kay Cherie.
https://bandera.inquirer.net/320824/cherie-gil-na-diagnose-ng-rare-form-of-endometrial-cancer-she-fought-bravely-against-her-illness-with-grace-and-strength
https://bandera.inquirer.net/304944/cherie-gil-nagpakalbo-iiwan-ang-pinas-para-manirahan-sa-us-i-sold-everything-and-packed-up
https://bandera.inquirer.net/298403/lauren-young-nagulat-sa-akting-ni-klea-pineda-sa-never-say-goodbye