Herlene Budol rumampa sa Senado, pinahanga sina Robin Padila, Bato dela Rosa, Raffy Tulfo at Bong Go

Herlene Budol, Bong Go, Raffy Tulfo at Robin Padilla

HINDI man siya nakapag-uwi ng major-major title at korona sa Binibining Pilipinas 2022 pageant, feeling winner na rin si Herlene Nicole Budol sa natatanggap niyang papuri at atensiyon.

In fairness, siya pa lang sa lahat ng kandidatang nagwagi sa naturang national pageant ang naimbitahan sa Senado para sa isang courtesy call.

Si Herlene ang itinanghal na 1st runner-up ng Binibing Pilipinas 2022 na ginanap noong July 31 sa Araneta Coliseum. Binansagan din siyang Hakot Queen dahil sa dami ng napanalunan niyang special awards.

Kahapon, August 9, nakasama at nakachikahan nga ni Herlene na kilala rin bilang si Hipon Girl, ang ilang senador sa pagbisita niya sa House of Senate.

At mismong si Sen. Raffy Tulfo pala ang nag-invite sa Kapuso TV host at comedienne na magtungo sa Senado para makilala niya ang iba pang senador ng bansa.

“Ako po ay natutuwang maimbitahan bilang panauhin sa Plenary Hall ng Senado, dahil din po kay Sen. Raffy Tulfo.

“Isang karangalan ang magkaroon ng courtesy call mula sa Senado,” ang pahayag ni Herlene sa kanyang Instagram post.

Ayon naman kay Sen. Raffy, naisipan niyang papuntahin ang komedyana at beauty queen sa tanggapan ng Senado bilang pagpapakita ng suporta at pagpapahalaga sa dalaga na nagsisilbing inspirasyon sa lahat.


“Si Herlene ay nagsisilbing inspirasyon at magandang halimbawa para magpatuloy sa pagsusumikap at pag-abot ng mga pangarap,” sabi ng dating news anchor.

Bukod kay Sen. Raffy, ibinandera rin ni Sen. Pia Cayetano ang litrato nila ni Herlene sa kanyang Facebook page na kuha nga sa ginanap na courtesy call.

“With the beautiful Binibining Pilipinas 1st Runner Up Herlene Hipon Budol, who paid a courtesy call at the Senate today,” sabi ng senadora sa kanyang FB status.

Sa IG naman ni Herlene makikita ang iba pa niyang mga picture kasama ang iba pang senador tulad nina Ronaldo “Bato dela Rosa, Bong Go at Robin Padilla.

Nauna nang in-announce ng talent management ni Herlene na kahit wala siyang nakuhang major title sa Binibining Pilipinas ay tuloy na ang pagsabak niya sa international pageant.

Pero sa ngayon, sabi ng manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino, pagtutuunan muna ng dalaga ang  kanyang showbiz career, ilang mga product endorsements at ang commitment niya sa Binibining Pilipinas organization.

https://bandera.inquirer.net/317157/robin-kakastiguhin-lahat-ng-tiwaling-opisyal-ng-gobyerno-hindi-puwedeng-puro-sorry-dapat-mag-resign-na
https://bandera.inquirer.net/303034/geneva-inokray-ng-hater-laging-nagpapakita-ng-cleavage-dahil-gutom-daw-sa-atensiyon

https://bandera.inquirer.net/319660/sosyaling-ootd-ni-heart-agaw-eksena-sa-pagbubukas-ng-19th-congress

Read more...