Darren Espanto naiyak nang ibahagi ang pangako sa magulang; Seth Fedelin umaming takot pa rin sa parents

Darren Espanto

NAPAIYAK ang Kapamilya young singer-actor na si Darren Espanto nang mapag-usapan at magkuwento tungkol sa kanyang mga magulang.

Hindi napigilan ng binata ang maging emosyonal nang ibahagi niya sa madlang pipol ang mga ipinangako niya sa kanyang parents.

Abot-langit ang pasasalamat ni Darren sa mga magulang dahil sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya pati na rin sa lahat ng sakripisyo at hirap ng mga ito.

Kahapon, August 9, nag-guest sa “Magandang Buhay” ang Kapamilya star kasama sina Seth Fedelin at Sheena Belarmino, para sa promo ng kanilang musical series na “Lyric and Beat.”

Dito nga sinabi ni Darren na handa siyang gawin ang lahat para maipagmalaki ng kanyang magulan, “I promise to keep trying to make you proud always and I promise not to be a disappointment too often.


“Siyempre nandoon na po tayo sa edad na minsan mayroon ka ring gustong gawin na minsan hindi tugma sa kagustuhan ng mga magulang natin, pero that’s part of life.

“Depende rin ‘yon I guess sa sitwasyon niyo sa bahay, sa relationship sa magulang mo. Magkakaiba naman tayo ng relationship, kung paano tayo pinalaki, kung paano tayo makipag-usap sa mga magulang natin,” lahad ng binata.

Patuloy pa niya habang nagpupunas ng luha, “But I promise to my parents na sana makita niyo pa rin ang Darren na kilala niyo nung bata ako bago lumipad papunta ng Pilipinas.

“At saka hinding-hindi ko kayo gustong bastusin ever. Siguro may mga times lang na may gusto akong gawin para sa sarili ko pero siyempre as a parent hindi niyo matatanggal sa parents natin ang mag-alala.

“Hindi niyo matatanggal ‘yon, lalo na sa mga ina, sa mga momshie, iba ang pag-worry nila sa atin eh. I just promise to try my best always to make you guys proud and not be a disappointment,” aniya pa.

Para naman kay Seth, “Lagi ko lang sinasabi sa sarili ko ito, siguro ang masasabi ko lang kila mama at maipapangako ko kahit saan man sa haba ng panahon paglaki ko lagi niyong masasabi na ‘anak ko yan.’

“‘Yan ang lagi kong sinasabi. At kahit nasaan ako gusto ko lang din sabihin sa mga magulang ko na kahit ilang taon na ako, gusto ko lang sabihin sa inyo na ‘Ma, Pa, takot ako sa inyo,'” dagdag pa niya.

Ito naman ang mensahe ni Sheena sa mga magulang, “Kung ano ‘yung gusto nilang marating na hindi nila narating before kung gusto niyang mag-aral like my mom, kung gusto niya mag-aral ng pagluluto, baking. I will totally support her. I am going to make sure na masaya rin siya.”

Samantala, mapapanood na ang digital series nila na  “Lyric and Beat” simula Miyerkules, Agosto 10, sa iWantTFC. Kasama rin nila dito sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, AC Bonifacio at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/285949/darren-dedma-sa-nangnega-sa-kanyang-pa-yummy-birthday-photo-yung-iba-kasi-mema-lang

https://bandera.inquirer.net/295713/darren-harapang-kinausap-ni-erik-parang-nababastos-siya-hindi-kasi-ako-friendly-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/304954/fans-umalma-sa-mga-nagbigay-ng-malisya-sa-litrato-ni-andrea-kasama-sina-kyle-at-darren

Read more...