‘Taong-buwaya’ na nakahubad at may abs pagala-gala sa Metro Manila, inakalang si Ruru Madrid

Ruru Madrid at ang lalaking crocodile mascot

VIRAL ang isang lalaking nakahubad at nakasuot ng ulo ng buwaya habang naglilibot sa ilang lugar sa Metro Manila.

Kitang-kita ang washboard abs ng nasabing lalaki na napagkamalan ngang si Ruru Madrid na bida sa hit Kapuso action-drama-fantasy series na “Lolong.”

In fairness, aliw na aliw ang mga nakakita sa kanya nang rumampa at magsasayaw sa ilang kalye sa Quezon City.

Pinagbigyan din niya ang mga shoppers na gustong magpa-picture sa kanya nang magtungo naman siya sa isang mall sa Pasay.

Ang nasabing hunky crocodile mascot ay bahagi pala ng pasasalamat ng dambuhalang adventure-serye ng GMA na “Lolong” dahil sa higanteng tagumpay ng programa.

Tuwang-tuwa naman ang lead star ng serye na si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid nang mapanood ang buwayang mascot kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng sumusubaybay sa “Lolong.”

“Halos bawat linggo, may bagong naiisip po ang Team Lolong para pasayahin po ang mga tao.

“Kaya naman po, abangan niyo pa po ang ilang mga pasabog na inihanda po ng Team Lolong para po sa inyong lahat. Kasabay po niyan ang mga maiinit na eksena gabi-gabi sa Lolong,” sey ni Ruru na nasa South Korea ngayon para sa shooting ng “Running Man Philippines.”

Napapanood ang “Lolong” mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Telebabad.


Samantala, malapit na ring mapanood sa GMA ang pinakahihintay at biggest reality game show ngayong 2022, ang “Running Man Philippines.”

Maglalaban-laban sa exciting games at nakakaaliw na missions ang cast members na sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Kokoy De Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Mikael Daez.

Ipakikita nila sa programa ang competitive yet fun side ng bawat isa at kung paano nabuo ang kanilang friendship habang nagte-taping sa South Korea.

Mag-e-enjoy rito hindi lang ang millennials, kundi pati ang buong pamilya! Kaya get ready dahil tiyak na mapupuno ng katatawanan ang weekends ng Kapuso viewers sa pagdating ng ating runners!

Abangan this September 3 ang world premiere ng “Running Man Philippines” sa GMA lang.

https://bandera.inquirer.net/306139/ruru-madrid-hindi-nagpa-double-sa-lolong-lahat-ng-buwis-buhay-stunts-ako-ang-gumawa

https://bandera.inquirer.net/306185/piolo-umaming-hindi-naliligo-nakahubad-lang-habang-nasa-batangas-farm
https://bandera.inquirer.net/316466/ruru-madrid-emosyonal-sa-presscon-ng-lolong-muntik-nang-sumuko-napilay-ako-napako-lahat-po-pinagdaanan-namin-dito

Read more...