Barbie Imperial namigay ng pagkain sa mga food delivery rider: Grabe ‘yung serbisyo nila para sa atin!

Barbie Imperial

MARAMI ang natuwa sa gesture ni Barbie Imperial na mamigay ng pagkain sa mga food delivery riders.

Sa kanyang Instagram recently, sinorpresa ni Barbie ang ilang food riders sa pamamagbitan ng pag-order ng food and then ibinigay niya ito sa kanila.

“Today ang naisipan naming gawin ng aking team ay mag-give back naman sa mga tao.

“Siyempre ang daming blessings na dumadating sa akin, ang daming projects. Ang daming blessings so maggi-give back tayo sa mga riders,” say ni Barbie sa short video niya sa Instagram at sa kanyang YouTube channel.

Naisip ni Barbie na bigyan ng pagpapahalaga ang delivery food riders dahil sa nakabibilib na dedikasyon ng mga ito sa kanilang trabaho kahit pa nga maulan.

“Magsu-surprise tayo ng riders, naisip ko lang kasi sobrang lakas ng ulan ngayon, minsan sobrang init.

“Parang ‘yung mga riders natin, parang palagi silang nandiyan, 24/7 grabe ‘yung serbisyo nila para sa atin, para sa mga deliveries, mga pagkain.

“So what I’m gonna do, mag-o-order ako ng mga food sa app ng riders and hindi nila alam na ‘yung pagkain na ‘yun ay para sa kanila,” say ni Barbie.

May isang food delivery rider na teary-eyed matapos ibigay ni Barbie ang in-order nitong food.
“Ngayon lang kasi may nagbigay sa akin ng ganito,” say ng delivery food rider.

Ang daming natuwa sa gesture na iyon ni Barbie.


“Very good Bie giving back from all your blessings received,more blessings Bie.”

“Helping others always feels good!!!!! Great job, Barbie.”

“We love u Bie. Natulo luha ko sa last part na ngayon Lang si kuya rider nakatanggap ng food.continue helping people bie and God will blesses u more mwah.”

“This is my most favorite vlog of yours, love! keep that kind heart burning. Thank you for sharing your blessings to others.”

https://bandera.inquirer.net/318291/estudyanteng-nagtapos-sa-junior-high-sinabitan-ng-medal-ang-amang-construction-worker-simpleng-gesture-ko-lang-po-iyon

https://bandera.inquirer.net/293580/jasmine-nag-explain-nang-talakan-ng-netizens-matapos-ireklamo-ang-delivery-rider
https://bandera.inquirer.net/287677/kris-bernal-humingi-ng-saklolo-sa-nbi-para-hantingin-ang-nasa-likod-ng-fake-delivery-booking

Read more...