INAMIN ng Kapamilya actress na si Jane de Leon na dumaan din sa matinding hirap at pagsubok ang kanilang pamilya.
Naikuwento ng dalaga ang tungkol dito nang humarap sa members ng entertainment media kagabi para sa grand launch ng inaabangang action-adventure-drama series n “Mars Ravelo’s Darna”.
Natanong kasi si Jane kung anu-ano ang mga matututunan ng madlang pipol, lalo na ng mga kabataan sa highly anticipated teleserye ng ABS-CBN.
“If may kakayahan kang tumulong, tumulong, mapalaki o maliit na bagay, malaking bagay na po ’yan para sa mga taong nangangailangan,” pahayag ni Jane.
Aniya pa, “Hindi naman po natin ipagdadamot ’yun laluna kung may mga pinagdadaanan tayo kung anuman ’yung mga natutunan natin sa buhay magsilbi tayong inspirasyon para sa lahat.”
Dito na nga nabanggit ng aktres na ang kanyang mga magulang ang itinuturing niyang tunay na Darna sa buhay niya na talagang sumuporta sa kanya nang bonggang-bongga mula nang pasukin niya ang showbiz.
“Simula po nu’ng una hindi naman po kami ganoon kayaman at lumaki po ako sa hirap at nakita ko po ’yung sakripisyo ng mga magulang ko kung paano nila pinalaki ng mga magulang nila.
“Minsan nga ’yung P100 pinagkakasya namin nina Mama. Bina-budget talaga niya kung paano namin gagastusin yun. Kaya po kung wala po si Mama, wala rin po ako dito ngayon,” kuwento pa ni Jane.
Nakatakda nang lumipad ang bagong TV version ng “Darna” sa August 15 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5 at iWantTFC.
https://bandera.inquirer.net/315103/jane-de-leon-handang-handa-nang-makipagbakbakan-kay-janella-salvador-sa-darna-magtutuos-na-kami
https://bandera.inquirer.net/313927/jane-de-leon-biglang-naiyak-nang-isuot-ang-darna-costume-parang-doon-lang-nag-sink-in-sa-akin-na-this-is-it
https://bandera.inquirer.net/318327/andrea-brillantes-tumira-noon-sa-squatters-area-bata-pa-lang-naranasan-ko-na-lahat-ang-hirap-kumita-ng-pera