SUMAKABILANG-BUHAY na ang veteran British-Australian singer-actress na si Olivia Newton-John kahapon ng umaga, August 8. Siya ay 73 taong gulang.
Pumanaw ang beteranang international artist matapos makipaglaban sa breast cancer sa loob ng mahigit 30 years.
Nakilala at sumikat si Olivia nang bumida sa musical film na “Grease” noong 1978 kung saan binigyang-buhay niya ang iconic role na Sandy.
Sa pamamamagitan ng official statement ng pamilya ng singer-actress na ipinost sa social media, nabatid na namatay si Olivia Newton-John sa pag-aari niyang rancho na matatagpuan sa California.
“Dame Olivia Newton-John (73) passed away peacefully at her Ranch in Southern California this morning, surrounded by family and friends.
“We ask that everyone please respect the family’s privacy during this very difficult time.
“Olivia has been a symbol of triumphs and hope for over 30 years sharing her journey with breast cancer.
“Her healing inspiration and pioneering experience with plant medicine continues with the Olivia Newton-John Foundation Fund, dedicated to researching plant medicine and cancer.
“In lieu of flowers, the family asks that any donations be made in her memory to the @onjfoundation.
“Olivia is survived by her husband John Easterling; daughter Chloe Lattanzi; sister Sarah Newton-John; brother Toby Newton-John; nieces and nephews Tottie, Fiona and Brett Goldsmith; Emerson, Charlie, Zac, Jeremy, Randall, and Pierz Newton-John; Jude Newton-Stock, Layla Lee; Kira and Tasha Edelstein; and Brin and Valerie Hall,” ang kabuuang nakasaad sa nasabing opisyal na pahayag.
Bumuhos naman sa socmed ang mga mensahe ng pakikiramay sa pamilya ng iconic star kasabay ng pagdarasal para sa ikatatahimik ng kanyang kaluluwa.
Isa sa mga nagluluksa ngayon sa pagpanaw ni Olivia ay ang kanyang leading man sa “Grease” na si John Travolta. Sa kanyang Instagram page ay nagbahagi ng kanyang mensahe ang Hollywood star.
“My dearest Olivia, you made all of our lives so much better. Your impact was incredible. I love you so much.
“We will see you down the road and we will all be together again. Yours from the first moment I saw you and forever!
“Your Danny, your John!” ani John Travolta.
Matatandaang na-diagnose na may breast cancer si Olivia noong dekada ’90. Balitang in remission na ang beteranang singer ng mahigit sa 20 taon ngunit bumalik ang cancer niya noong 2013.
Taong 2018 nang ibalita ni Olivia na bumalik ang breast cancer niya na kumalat na hanggang sa kanyang spine.
Sa mga hindi pa masyadongvaware, si Olivia na isinilang noong September 28, 1948 sa Cambridge, England ay apo ng Nobel Prize-winning physicist na si Max Born.
Bago niya ginawa ang “Grease”, naging champion muna siya sa talent show na “Sing, Sing, Sing” sa Australia hanggang sa maging recording artist noong 1966.
Ilan sa mga hit songs niya ay ang “Let Me Be There”, “I Honestly Love You,” “Xanadu” at ang “Physical,” na nagkaroon pa ng music video at pumatok nang todo sa buong mundo. Ginamit pa ito noon bilang background music sa mga sauna, aerobic at workout rooms.
Kasabay naman ng tagumpay sa takilya ng “Grease”, sumikat din nang bonggang-bongga ang soundtrack ng pelikula kabilang na ang duet nila ni John Travolta na “You’re the One That I Want” at “Summer Nights,” at siyempre ang hit na hit din noong “Hopelessly Devoted to You” ni Olivia.
https://bandera.inquirer.net/309899/olivia-rodrigo-bts-v-nagpasabog-ng-kilig-sa-2022-grammy-awards-filipina-traitor-trending
https://bandera.inquirer.net/284409/kc-gustong-mag-host-ng-miss-universe-sana-nga-ikaw-na-lang-kesa-kay-olivia-culpo
https://bandera.inquirer.net/309897/fil-am-artists-olivia-rodrigo-bruno-mars-h-e-r-waging-wagi-sa-64th-grammy-awards