NILAMON ng apoy ang tinitirhang bahay sa Amerika ng Soul Diva na si Jaya.
Ibinalita ng veteran singer-actress ang naganap na trahedya sa kanilang pamilya ngayong araw, August 8, sa pamamagitan ng social media.
Ipinost ni Jaya sa kanyang Instagram account ang litrato ng nasunog nilang bahay kung saan makikita na halos nilamon nga ng apoy ang kabuuan nito.
Makikita sa post ng Soul Diva ang larawan ng nasunog nilang bahay, partikular na sa ibabang bahagi ng kanilang 2-story house na halos nasira na ng apoy.
Pahayag ni Jaya, nakapanghihilakbot ang nangyaring sunog ngunit nagpapasalamat pa rin siya dahil walang nasaktan sa kanyang pamilya at nakaligtas ang silang lahat.
Aniya, buti na lang daw at hindi natupok ng apoy ang second floor ng kanilang bahay.
“God is so good! Our house just burned to the ground but we are all safe! I have no words but GOD IS GOOD!” ang nakalagay sa caption ng ibinahaging litrato ng award-winning singer.
Agad namang nagpadala ng kanilang mensahe ang ilang celebrities kay Jaya at kinumusta ang kalagayan niya at ng kanyang pamilya sa Amerika.
Ilan sa mga nag-alala sa nasunugan nilang kaibigan ay sina Megastar Sharon Cuneta, Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Original Concert Queen Pops Fernandez, Pokwang, Janice de Belen, Heart Evangelista at marami pang iba.
“Oh my gosh Iyay!!! Oh dear God…I am so so sorry but praise God you are all safe,” mensahe ni Sharon.
Sey naman ni Zsa Zsa, “Thank God your family is safe. Will be praying for you, Iyay.”
Sa US na naninirahan ngayon ang pamilya ni Jaya matapos magdesisyon na lisanin muna ang Pilipinas noong kasagsagan ng pandemya.
https://bandera.inquirer.net/294235/jaya-hands-on-wifey-at-mommy-sa-us-sanay-na-sanay-na-ako-sa-mga-gawaing-bahay-dito
https://bandera.inquirer.net/299009/jaya-maligayang-maligaya-ngayon-sa-us-kasama-ang-pamilya-waley-talaga-akong-regret
https://bandera.inquirer.net/287582/jaya-iyak-nang-iyak-nang-magpaalam-sa-showtime-sana-pagbalik-ko-tanggapin-nyo-pa-rin-ako