Maris walang hiya-hiyang inirampa sa US ang nabiling OOTD sa ukay-ukay; Andrea kering-keri nang magsolo at magbida

Maris Racal

NAPAHANGA ang marami kay Maris Racal dahil sa kanyang kasimplehan.

In her latest Instagram post, hindi nahiya si Maris na sabihing ang suot niyang while little dress ay binili niya sa ukay-ukay.

“My ukay ukay dress made it to nyc,” caption ni Maris sa kanyang photo habang nasa New York.

Marami ang natuwa at halos hindi makapaniwala na magsusuot si Maris ng second-hand dress.  Imagine, nakarating pa sa New York ang kanyang ukay-ukay na outfit.

With that, ang daming nag-comment ng positive sa post na iyon ni Maris sa kanyang Instagram account.


“Love your fashion sense, girl! A proof that fashion doesn’t only have to be expensive stuff.”

“True. Nasa pagdala lang yan at nagsusuot. Aanhin mo yong expensive kung di naman bagay sayo diba?”

“Grabe naman this girl so beautiful, talented and sexy.”

“Ganda Ng ukay dress mo ghorl.”

“Wow bet mo rin ukay2 ganda!”

“HM (how much) nyo po nabili yang dress sa ukay ukay?”

* * *

Pinatunayan ni Andrea Brillantes na kering-keri na niyang magbida.

Bidang-bida si Andrea sa “Lyric and Beat” kasama ang ka-love team niyang si Seth Fedelin and a host of talented stars like  Kyle Echarri, Darren Espanto, Jeremy G, Sheena Belarmino, Angelica Ken and AC Bonifacio. The series starts streaming on iWantTFC on Aug. 10.

Sa first scene pa lang, napahanga na kami ni Andrea sa kanyang song number sa kanyang dream sequence.

Pasabog kaagad ang first scene dahil nakasama niya ang ilang Squad Plus members.


Undeniably, Andrea first her role to a T bilang isang college freshman named Lyric na gustong maging singer.  She plays her role with characteristic bubbliness at talagang kitang-kita mo sa kanyang galaw ang desire to be a singer.

One thing more, Andrea’s timing for comedy is perfectly right. She delivers her jokes in a manner that is not corny and bland.

Interestingly, magaling din ang iba pang cast members like Seth whose boyishly handsome face remind us of Elvis Presley. He is a natural in all his scenes at talagang nagmumura ang kanyang screen presence.

Magaling si AC Bonifacio as best friend of Darren Espanto’s character. Iba ang galing nila lalo na sa isang dance number. Magagaling din sina Sheena Belarmino bilang kapatid ni Darren na may pagka-kontrabida, Angelica Ken, Jeremy G and Awra.

Even the support cast is good.  Natural na natural ang pagka-kontrabida ni Agot Isidro. Magaling din bilang music teacher na nagtayo ng choir si Nyoy Volante.

What’s more beautiful is the way the songs of Jonathan Manalo were seamlessly infused in the scenes.  Hindi hard sell ang dating and you know that they are really needed in the scene.

Director Dolly Dulu whose theater background had made him aspire to do a musicale did a spending thing in directing “Lyric and Beat”.

Easily, the chemistry between Andrea and Seth is palpable. Ramdam na ramdam mo ito while watching the series.  Sadly, baka ito na ang huli nilang tambalan.

https://bandera.inquirer.net/285330/maris-umaming-masaya-sa-piling-ni-rico-i-think-it-is-very-obvious

https://bandera.inquirer.net/280047/si-maris-racal-nga-ba-ang-nagparamdam-kay-rico-blanco

https://bandera.inquirer.net/280047/si-maris-racal-nga-ba-ang-nagparamdam-kay-rico-blanco

Read more...