TINGNAN mo nga naman talaga ang buhay — ang bagsak at palaging pasang-awa noon, topnotcher na sa board exam ngayon! Bongga, di ba?
Ang tinutukoy namin ay si Nora Jane Staveley, na nag-number one nga sa May 2022 Nurse Licensure Exam at nakakuha ng 90 percent rating.
Nag-graduate siya ngayong taon sa Our Lady of Fatima University sa kursong Bachelor of Science in Nursing.
Sa pamamagitan ng Facebook, nag-share si Nora Jane o NJ ng ilang detalye kung paano niya nakamit ang minimithing tagumpay sa kabila ng mga hinarap na pagsubok.
“Actually, bagsak at pasang-awa na ako nu’ng fourth year. Literally nasa 3/10 o 5/10 ang mga quizzes ko. Tapos sa exams, 29/50 at 44/75,” panimulang pagbabahagi niya.
Taong 2015 daw may kinuha siyang test na hindi niya inakalang makakapasa siya, “I can clearly recall how hard I prayed when I had to take the Philippine Educational Placement Test para ma-skip yung third year and fourth year ng high school.
“Need ko kasi talaga ng diploma nun dahil required para makapag-apply sa trabaho.
“Those were one of the darkest days in my life…
“And wala akong perang pang-review center sa PEPTest nun. I just grabbed whatever pang-third year at fourth year na textbooks I could find and studied for the two months I had then, and took the exam,” pagbabahagi pa niya.
“Kasi yung mga tanong sa exam ay kung ano ang itinuturo sa third year at fourth year, eh, sabaw ako sa math. Mga trigonometry…
“And sobrang saya ko talaga nung nalaman kong ‘passed’ lahat! Habang bumibiyahe ako pauwi, talagang sobrang grateful ako kay God kasi malaking bagay yun na hiniling ko sa Kanya na ibinigay niya sa akin,” aniya pa.
At bukod dito, nakatanggap din daw siya ng “bonus”, “Interestingly, on that exact same day ay nakilala ko yung partner ko!”
Pagpapatuloy pa ni NJ, “Luckily things got better and I was able to afford college. So, instead na mag-work, nag-enroll ako sa OLFU, and the rest is history.”
Samantala, kuwento ni NJ, noong kailangan na niyang mag-review para sa board exam, wala raw siya sa focus dahil sa pangangampanya para sa isang presidential candidate nitong nagdaang May 9 elections.
“Iniisip ko nga, delikado na ang scores ko nung fourth year, nagawa ko pang mangampanya. Nalugmok ako nung di nanalo. Tapos namatayan ako ng pusa the same month,” chika ni NJ.
Pagkatapos na pagkatapos ng eleksyon, sineryoso na niya ang pagre-review, “Sabi ko, bahala na. Twenty days na lang, pumasa o bumagsak ay bahala na.
“Basta ang gusto ko lang ay masabi sa sarili ko na I did my best at wala akong pagsisisi sa araw ng board exam. Ang gusto ko lang ay makapag-focus.
“Pinilit kong isantabi muna lahat ng masasaklap na nangyari nung college, lahat ng pain na resulta ng election, lahat ng expectations sa akin, at lahat ng pressure.
“Basta ang alam ko lang ay may 20 days pa ako para mag-review, at nasa akin na ‘yun kung susulitin ko talaga bawat minuto. Eventually I decided to just get back to reality and face my exams,” pagbabahagi pa ng board topnotcher.
Ito naman ang advice niya sa lahat ng mga magte-take ng board exam, “Familiarization is basically when you’ve studied something many times to the point where you can explain it in your own words.
“Basically, yung inaral ko today, bukas iisipin ko ulit: ‘Ano nga ba ulit yung inaral ko kahapon?’
“Mag-effort mag-aral at mag-familiarize ng mga itinuro nung college, dahil sa sobrang dami ng coverage ng exam, hindi madadaan sa memorization,” paalala pa niya.
https://bandera.inquirer.net/310805/clarita-carlos-binatikos-matapos-magkomento-sa-bar-exam-passers-we-need-more-scientists-engineers-doctors-not-more-lawyers
https://bandera.inquirer.net/298484/kilalang-female-celeb-mukha-na-raw-padede-mom-dahil-sa-bagsak-na-boobs
https://bandera.inquirer.net/100433/aldub-ginagamit-na-rin-sa-iskul-para-sa-exam-ng-mga-estudyante