Kathryn ibang klaseng magmahal ng kaibigan, may pa-tribute sa kanyang 'soulmate & best friend' Bandera

Kathryn ibang klaseng magmahal ng kaibigan, may pa-tribute sa kanyang ‘soulmate & best friend’

Alex Brosas |August 07,2022
share this

Kathryn ibang klaseng magmahal ng kaibigan, may pa-tribute sa kanyang ‘soulmate & best friend’

Alex Brosas - August 07, 2022 - 04:34 PM

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

GRABE pala talagang magpahalaga sa friendship ang “2 Good 2 Be True” lead star na si Kathryn Bernardo.

Nasabi namin ito dahil nag-effort ang aktres na batiin ang kanyang bestfriend and soulmate na si Arisse de Santos.

Sa kanyang Instagram page recently, binati ni Kathryn si Arisse by posting a collage of photos of them together.

“Who would’ve thought that 2012 would change my life? It was the year I met you, my soulmate, my best friend.

“Happy birthday, my dsnts!  God knows how grateful I am to have you in my life. You are a gem. Thank you.

“Even though we’re miles apart, our friendship will always remain the same. And I can’t wait to see and hug you in person!!”

‘Yan ang caption ni Kathryn sa kanyang photos kasama ang influencer and vlogger friend niya na nakakuha ng napakaraming likes and comments sa social media.

Actually, nagkakilala ang dalawa sa set ng 2012 Metro Manila Film Festival entry na “Sisterakas” kung saan ang ex-boyfriend ni Arisse na friend ni Daniel Padilla ay kasama sa movie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


At mula nga noon ay naging close na sila at napanatili talaga nila ang kanilang friendship until now. Sa pagkakaalam namin, marami-rami rin ang close friends ni Kathryn at talagang pinahahalagahan at minamahal niya ang mga ito.

Maging ang shippers nga ni Kathryn ay tinawag pang KathRisse ang friendship nina Kathryn at Arisse.
Samantala, sa “2 Good 2 Be True” ay pinansiyahan ni Lolo Hugo si Eloy (Daniel Padilla).

Matapos nito, sumugod siya sa bahay ni Eloy para hanapin si Hanna.

Nagkaroon sila ng confrontation ni Eloy na nagtanong kung ano ang kinalaman niya sa pagkakakulong ng kanyang ama.

Kathryn, Daniel naniniwalang soulmate ang isa’t isa: Planado siya ni God…perfect timing

Lovelife hugot ni John Lloyd: Kung nahanap mo ang soulmate mo, I guess you’re lucky

Ruffa happy sa ‘renewed friendship’ kay Gretchen; dyowa nga ba talaga si Herbert?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending