Hugot ni Rochelle sa pagmo-motor ni Arthur: Hindi porke pinapayagan ay 100% na sinusuportahan kita…please mag-ingat ka

Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

SA halip na magalit at magbunganga tulad ng ibang misis, sinusuportahan na lang ni Rochelle Pangilinan ang isang hilig ng kanyang mister na si Arthur Solinap.

Nag-flex kasi ang Kapuso actress-dancer sa kanyang Instagram account kamakailan ng litrato ni Arthur at ng pag-aari nitong motorsiklo.

Sa nasabing photo makikita ang Kapuso actor na nakasakay sa kanyang R Nine T Scrambler BMW motorcycle at nakasuot ng black biker jacket na mala-action star ang datingan.


Narito ang inilagay na caption ng “Lolong” actress sa kanyang IG post, “Ang gwapo mooooo!”

“Pero hindi porke pinayagan kita eh 100% na sinusuportahan kita, pero bilang gusto mo yan ang sasabihin ko na lang ay please mag-ingat kang mabuti,” mensahe ni Rochelle sa asawa.
Patuloy pa niya, “Alam mo namang mahal ka namin ni Shiloh. Ayaw naming masaktan ka kahit galos.

“Sabi n’ya nga sayo tuwing aalis ka ay “be carefuuuuuuuul!”

“Pray ha bago sumakay at bumiyahe!

“Ikaw ba si Wolverine?! Naaaaaks! @arthursolinap,” chika pa ng Kapuso star.

* * *

Tutok na tutok ang viewers sa hit GMA Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit.”

Damang-dama talaga ang mainit na pagsubaybay ng mga manonood at netizens sa programa na patuloy na humahataw sa TV ratings.

Sa pagpapatuloy ng kwento, desperado na si Cesar (Zoren Legaspi) na makuhang muli ang loob ni Gemma (Maricel Laxa) kaya nakakalimutan na niya ang responsibilidad kay Stella (Lianne Valentin) bilang ama ng dinadala nito.

Hindi tuloy napigilan ng mga netizen na magbigay ng payo kay Stella, “Gumising ka na rin sa katotohanan Stella. Magbagong buhay ka na at wala kang kinabukasan kay Cesar. Pero pagbayaran mo rin mga ginawa mo kay Mama Gemma.”

Apektado rin ang avid viewers sa posibilidad na muling magpapaloko si Gemma kay Cesar, “Nakakainis mukhang nakipagkita kay Cesar si Gemma. Ang tanga mo Gemma bahala ka na nga sa buhay mo pagod na pagod na ako sa inyo.”

Tuluyan na nga bang manlalamig si Cesar kay Stella, at makawala naman kaya si Gemma sa nararamdaman nito para kay Cesar?

Iyan ang mga dapat abangan sa Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Rochelle ipinagluluto ang mga katrabaho sa lock-in taping: Hindi siya madali…sa mentalidad, pisikal, kaya ang pinakamasarap du’n, busog ka!

First impression ni Rochelle kay Arthur: Babaero at gimikero, pero…

Aiko natuwa sa pagsuporta ni Ogie kahit magkaiba ng presidenteng sinusuportahan

Read more...