HOROSCOPE September 26, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Agapay buhat sa iba ang magbibigay ng ligaya! Sa pinansyal, isang Aquarius ang tutulong upang masimulan na ang negosyong matagal ng binabalak. Sa pag-ibig, ang masarap na relasyon ay sa isang Aquarius din makakamit. Mapalad ang 5, 15, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: Om-Vedanta-Aum-Krisna.” Silver at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—  ‘Wag matigas ang ulo. Hindi dapat ipagpilitang lagi ang iyong gusto! Sa pinansyal, habang tinitigasan mo ang iyong loob, lalo ka lang malulugi. Sa pag-ibig, hayaang ang kasuyong Sagiitarius naman ang masunod. Mapalad ang 3, 6, 21, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Violet at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Bago simulan ang anomang trabaho, humigop muna ng mainit na sabaw, sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong isipan. Sa pag-ibig, i-libre ang kasuyo sa isang coffee shop, upang kapwa mag-init ang inyong katawan.  Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Lilac at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Sa ibang bansa, mas magiging maligaya, higit lalo sa aspetong pag-ibig at pang-pinansyal. Umpisahan ng mag-aplay sa abroad upang sa susunod na taong 2014 may isang mabungang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran. Mapalad ang 5, 9, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om.” Silver at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Hindi na uso ngayon ang plastic. Sa pag-ibig laging magpakatotoo sa minamahal. Sa negosyo, ang pagiging matapat sa suki at mga kliyente ang susi ng pag-unlad. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitre-Om.” Pink at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—May pagka-gastador at bulaksak ang isang Leo. Masosolusyunan ang problema  kung mag-aasawa ka ng kuripot. Sa ganyang paraan mas madali kayong yayaman. Mapalad ang 1, 4, 10, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Deva-Om.” Yellow at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—‘Wag isiping nagkaka-edad ka na! Sa halip sa aspetong pang-pinansyal, marami ka pang magagawa upang umunlad at magpayaman – umpisahan mo na ngayon. Sa pag-ibig, tandaang: “Kalabaw lang ang tumatanda”, kaya mo pang maka-dalawa. Mapalad ang 1, 5, 19, 28, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Egosum.” Orange at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Hindi madaling magpatawad, ngunit kailangan mong gawin ito dahil malapit na ang pasko, upang muling mabuo ang relasyon! Sa pananalapi, patawarin at kalimutan na ang mga pautang na matagal ng hindi nakakabayad. Mapalad ang 6, 12, 27, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at lilac ang buenas,
Scorpio – (October 24 – November 21)— ‘Wag magtanim ng galit sa kapwa lalo na at magpapasko pa naman. Kung wala ng galit sa puso at isipan, tuloy-tuloy ng makakamit ang maligayang relasyon at kusa na ring darating ang suwerteng pangmateryal. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Akyata-Om-Purana.” Green at brown ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Malapit na ang election, kumandidato ka! Mas madaling sinusuwerte ang mga Sagittarius kapag naka-expose sa lipunan. Sa pag-ibig, sa isang political gathering mo matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—   Hindi dapat argabyaduhin ang mga maliit. Sa pinansyal at pamomolitika, lumaban ka ng patas. Sa pag-ibig, panay ang awat sayo ng kasuyo, pero ang totoo – gustong-gusto naman talaga nya! Mapalad ang 4, 17, 25, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Namoh-Nameh-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Hindi dapat magmukmok at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi palalaguin ang kabuhayan ngayon, paano ka yayaman? Sa pag-ibig, kung hindi mo patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo, darating ang araw na mawawala din siya. Mapalad ang 2, 9, 18, 27, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Gold at beige ang buenas.
Pisces – (Fekapera bahaginan ang kasuyo ng anomang grasya upang magpatuloy ang masayang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gita-Bhagava-Om.” Green at pink ang buenas.

Read more...