Gold Aceron bagong alaga ni Kean Cipriano; idol na idol sina Robin at Coco | Bandera

Gold Aceron bagong alaga ni Kean Cipriano; idol na idol sina Robin at Coco

Reggee Bonoan |August 04,2022
facebook
share this

Gold Aceron bagong alaga ni Kean Cipriano; idol na idol sina Robin at Coco

Reggee Bonoan - August 04, 2022 - 09:57 AM

Kean Cipriano at Gold Aceron

MARAMI nang pelikulang nagawa si Gold Aceron pero aminadong malaking tulong sa kanya ang pelikulang “Scorpio Nights 3” kasama sina Christine Bermas at Mark Anthony Fernandez na idinirek ni Lawrence Fajardo.

Considered mainstream kasi ang “Scorpio Nights 3” kahit sa Vivamax online platform ito napapanood.

Pangarap kasi ng indie actor na ma-penetrate ang mainstream dahil una siyang nakilala sa indie movies. Sa katunayan tatlong best actor award na ang nakuha niya mula sa Cinema One Originals Digital Film Festival, Star Awards for Movies at Pista ng Pelikulang Pilipino noong 2019 para sa pelikulang “Metamorphosis” noong 2019. At nominated naman siya sa FAMAS at Gawad Urian sa parehong kategorya.

Kuwento ni Gold sa solo mediacon niya bilang bagong talent ng O/C Records, “Nawala po kasi ako, so nu’ng napalabas na ang Scorpio Nights 3 binabati na ulit ako dito sa amin.”

Ang O/C Records ay pag-aari ng dating frontman ng Callalily na si Kean Cipriano at ito mismo ang nag-alok na i-manage si Gold.

Ang yumaong si Direk Maryo J. delos Reyes ang manager ni Gold at hindi na siya nagkaroon simula 2018 at aminadong mahirap ang walang manager.

“Nu’ng freelance ako, waiting ako lagi kung may magbibigay. Kapag may magbigay, ako pa makikipag-usap, ako din magre-rate, ako lahat. Kapag may manager, ang sarap sa feeling na kahit paano, wala akong masyadong iniisip, ‘yung work lang, ‘yung shooting, ‘yung script na ibibigay sa akin kung maganda,” pagtatapat ng aktor.

Dagdag pa, “Maaalagaan na talaga ako ngayong may manager na ako,” aniya pa.

Nagkakilala raw sina Gold at Kean dahil sa ginawa nitong music video, “From pandemic, may kumontak sa akin para sa isang music video, ‘yung music video na ‘Ligaya.’

“Nakita po ako ni Kuya Kean doon, napanood niya po lahat. Nag-thank you siya sa akin tapos kinausap po ako ni Kuya Kean, ‘Gold, may manager ka na ba?’ Sabi ko freelance model ako, so wala,” sabi pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gold Aceron (@golddaceron)


Hindi na nagpatumpik-tumpik si Gold sa alok ni Kean lalo’t fan siya ng bandang Callalily na ngayon ay disbanded na.

Ang bilis nga raw ng transition dahil apat na buwan palang mina-manage ng O/C Records ang aktor ay nakadalawang pelikula na siya, ang “Scorpio Nights 3” at ang “May-December-January” na mula pa rin sa Viva Films directed by Mac Alejandre.

“Ang bilis nga po, naka-dalawa na agad. Kino-consult kung okay ako sa project, kung may gusto ako ipatanggal, kung kaya ko ba. Kaya ko naman po kaya sinasabi ko kila Kuya Kean na kaya ko. Kapag hindi ko kaya, sinasabi ko naman. Guided naman po nila ako parati. Lagi nila ako tinatanong kung okay lang ba ako.

“Gusto kong mapunta ng mainstream kasi naging idol ko sina Coco Martin, Robin Padilla (nagsimula sa indie movies) sana mabigyan ng chance ng itaas na maging mainstream actor.

“At napag-usapan din namin ni kuya Kean sabi ko gusto kong yumaman, ha, ha, ha.  Kasi ang pagiging sikat maraming sikat na, eh.

“Go rin akong sumikat wala namang problema siyempre proud ako sa sarili ko na sikat ako pero (tingin ko), hindi ka magiging simpleng tao, mababago na ‘yung nakasanayan ko na go lang ako kapag nagmo-mall ako, wala akong iniisip pag naglalakad.  Kasi pag sikat ka na hindi na normal, ibang-iba na.

“Kaya ‘yun lang ang napag-usapan namin ni kuya Kean maganda ang flow ng trabaho, maghanap kami ng maraming projects at pasisikatin daw nila ako, aalalayan nila ako,” masayang kuwento ng aktor.

Hindi inamin ni Gold pero mukhang type niya si Christine dahil kinikilig siya habang pag-usapan ang sexy star na kasama niya sa “Scorpio Nights 3” at kung bibigyan daw siya ng ka-love team ay sana ang dalaga na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinablan kaya si Gold sa sizzling scenes nila ni Christine? Ayaw magkuwento ng aktor tungkol sa lovescenes, ang sagot lang niya ay maayos nilang naitawid ito.

Promise ni Kean kay Chynna: Nandito lang ako palagi para sa ‘yo, hanggang sa pagtanda…I love you!

AJ Raval isinakripisyo ang pagbibida sa ‘Scorpio Nights’ para muling makapag-aral, bawas na rin sa paghuhubad

Kean may ginagawa kay Chynna kaya happy ang pagsasama: Siya lang ang may kaya, I swear!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending