NAHINGAN ng reaksyon ang aktres at dating beauty queen na si Kylie Verzosa tungkol sa naging resulta ng Binibining Pilipinas 2022 pageant na ginanap nitong nagdaang Linggo.
Nakachikahan namin ang itinanghal na 2016 Miss International sa story conference ng bago niyang pelikula sa Viva Films na “Baby, Baby Girl” at dito nga naitanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa kinukuwestiyong announcement at umano’y switching ng winners sa nasabing annual pageant.
Usap-usapan pa rin kasi ngayon ang delay sa pag-a-announce ng mga hosts ng contest na sina Catriona Gray at Nicole Cordoves sa nagwaging Binibining Pilipinas International 2022 na si Nicole Borromeo ng Cebu City.
Sabi ni Kylie, okay at aprub naman sa kanya ang choices ng mga judges, “For me ha, ang ganda ng production value ng Binibining Pilipinas ngayon, and every year parang umaangat siya. Happy ako for all the winners.”
Boto rin daw siya kay Nicole Borromeo na siyang magre-represent sa Pilipinas sa Miss International pageant na yearly ginaganap sa Japan.
Sey pa ng aktres, “I think yung nanalo ng Binibining Pilipinas International fit siya doon sa peg ng Miss International.
“And may iba rin akong friend na tinuruan at nanalo and I’m very happy for them. Ang gaganda nila, ang gaganda ng mga queens ngayon,” chika pa ni Kylie.
Samantala, ipinagdiinan naman ng dalaga na never niyang ikinumpara ang sarili niya sa ibang tao, “Hindi ko kasi kinu-compare yung track ng career ko sa iba. Kasi iba naman yung direction ko sa kanila. At saka ever since, hindi ko talaga kinu-compare yung sarili ko sa iba.
“Parang yun yung isang…siguro yon ang masasabi ko sa akin hindi ako mahilig mag-compare sa ibang tao. I just try to focus myself sa sarili ko lang, sa sarili kong self-improvement, self-development.
“Tapos I make sure na happy ako para sa success ng iba kasi ang feeling ko kapag ganu’n mas magaan sa buhay, mas magaan sa ‘yo na happy ka para sa kanila and I also believe na there’s enough to go around for everyone. So, parang yon yung ano ko, that’s how I think about life,” aniya pa.
At sa lahat ng mga kababaihan na hindi pa sinuswerteng manalo sa mga beauty pageant, ito ang sey ni Kylie, “Parang when it’s your time it’s your time. And sana kapag time mo you know when to use it at alam mo kung paano siya, when to step on the grass , or when to clap for others.”
Samantala, excited na si Kylie sa bago niyang sexy-romance movie na “Baby Boy, Baby Girl” na isinulat at ididirek ni Jason Paul Laxamana. Makakasama niya uli rito si Marco Gumabao na ilang beses na niyang nakatrabaho.
“Actually, nu’ng nakita ko pa lang yung title na Baby Boy, Baby Girl, sobrang nagkainteres na ako sa project. Tapos nu’ng pinitch na siya sa akin sobrang na-excite ako.
“Kasi I’ve been a fan of Direk JP’s work and I’ve always wanted to work with him matagal na. So nu’ng in-offer na sa akin ito agad ko siyang tinanggap without a doubt, as in 100 percent go na.
“Tapos nu’ng sinabi din sa akin na kasama si Marco, feeling ko nga si Marco yung unang na-cast kasi for him talaga yung baby boy.
“Tapos nu’ng binigay sa akin I was so excited kasi makaka-work ko ulit si Marco and then makaka-work ko si Direk, so I’m just very excited and very grateful to be working with them,” sey pa ni Kylie about their new movie under Viva Films.
https://bandera.inquirer.net/320458/kylie-agree-na-may-k-manalo-ng-major-award-si-herlene-sa-bb-pilipinas-2022-bibida-sa-pelikula-tungkol-sa-sugar-babies
https://bandera.inquirer.net/311634/herlene-budol-kering-keri-ang-hipon-walk-at-tempura-walk-para-sa-binibining-pilipinas-2022
https://bandera.inquirer.net/290862/kylie-verzosa-handang-isugal-ang-buhay-para-sa-magandang-pelikula-ngayong-pandemya