Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi ginawan ng pekeng ‘retoke’ photos; ininsulto ng pageant fans sa Thailand

Celeste Cortesi

GINAWAN ng pekeng “before and after” transformation photos ng ilang pageant fans sa Thailand si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.

Maraming nagsasabi na mukhang ito ang ginamit ng mga supporters ni Miss Universe Thailand 2022 Anna Sueangam-iam bilang damage control sa pangnenega sa kanilang kandidata.

Kamakailan kasi ay naglabasan nga sa social media ang nakaka-shock na transformation photos ni Miss Universe Thailand 2022 Anna Sueangam-iam.

Ayon sa mga ulat, mismong ang Natchaya Clinic sa Bangkok ang nagkumpirma na nagparetoke sa kanila ang magiging representative ng Thailand sa 71st Miss Universe, dahil


At kasunod nga nito, isang Talkmissthailand Facebook account ang naglabas ng sinasabing edited at photoshopped photo ni Celeste na umano’y kuha raw nang manalo siyang Miss Philippines Earth Italy noong 2018.

Itinabi nila ito sa litrato ng beauty queen nang koronahan bilang Miss Universe Philippines 2022 na may caption na, “Glow-Up: Amazing transformation of Miss Universe Philippines 2022, Silvia Celeste Cortesi by Philippines Clinic.”

Grabe ang mga comments ng ilang mga taga-Thailand sa lumabas na litrato ni Celeste, talagang inokray at nilait-lait nila ang Pinay beauty queen.

Kung matatandaan, ang Talkmissthailand FB page rin ang nagpakalat ng mga litrato nina Celeste at Willie Revillame nang maging guest co-host ang dalaga sa “Wowowin” noong 2018.

Ang nakalagay namang caption dito ay, “Hello Daddy my name is Celeste Cortesi Miss Universe Philippines 2022.” Gumamit pa ang FB page ng mga hashtags na #MorningVSEvening at #Missing You Daddy.

Reaksyon ng mga Pinoy pageant fans sa edited transformation photo ni Celeste, talagang may motibo ang gumawa nito na wasakin ang reputasyon ng dalaga.

In fairness, talaga namang pang-beauty queen na ang datingan ni Celeste noong mag-join siya sa Miss Earth Philippines Italy noong 2018 at mas lumantad pa ang kanyang pagiging dyosa nang sumali at manalo sa Miss Universe Philippines 2022 noong April 30.

Samantala, sa halip na sagutin at patulan ni Celeste ang paninira sa kanya, mas ginusto niyang manahimik na lang at mag-focus sa mga makabuluhang bagay na ginagawa niya ngayon.

Aniya sa kanyang official statement, “And again, people keep tagging me in edited photos of me, insults and threats. I have seen quite a lot just today and now before going to sleep.

“After the talk we had last week, I was hoping that this unnecessary cyberbullying would somehow stop or lessen.

“I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me, then simply use the hashtag #kindnesscampaign. Let’s not engage with any form of hate,” ang panawagan ni Celeste sa lahat ng kanyang supporters.

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi may inamin tungkol kay Pia Wurtzbach, ano kaya yun?

Mag-ingat sa pekeng ‘Darren Espanto’; PBB 10 celebs dadaan muna sa matinding ‘test’ bago pumasok sa Bahay ni Kuya

 

Read more...