PARA kay Miss International 2016 Kylie Verzosa deserving din ang Kapuso comedienne at aspiring beauty queen na si Herlene Budol na makakuha ng major title sa Binibining Pilipinas 2022 pageant.
Bumilib din ang beauty queen-turned-actress sa naging performance ni Herlene o Hipon Girl sa katatapos lamang na pageant lalo na sa pagsagot nito ng Tagalog sa question and answer round.
Nakausap namin si Kylie sa storycon ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang “Baby Boy, Baby Girl” opposite Marco Gumabao, at natanong nga sa kanya kung ano ang masasabi niya sa pagrampa ni Herlene sa Binibining Pilipinas 2022 last Sunday.
Sagot ng dalaga, keri ng komedyana na makasungkit ng korona at titulo kaya sana raw ay mag-join uli ito sa nasabing pageant sa susunod na taon.
“Deserved niya lahat ng ingay na nakukuha niya. Happy ako para sa kaniya. At saka ang ganda ng sagot niya at parang nasubaybayan ko yong journey niya sa pageant,” pahayag ni Kylie.
Dagdag pa niya, “Ang ganda ng transformation niya. At happy ako na first runner-up siya Ako personally sana nanalo siya ng crown.”
Nabanggit ni Herlene na ayaw na niyang sumali uli sa mga pageants pagkatapos maging 1st runner-up sa Bb. Pilipinas pero sey nga ni Kylie, “Parang isa pang try, kaya pa niya.”
Gustung-gusto rin ni Kylie ang pagsagot ni Herlene sa Q&A segment ng pageant gamit ang wikang Filipino tungkol sa naging transformation nito bilang beauty queen.
“Sobrang okay ako dun eh. Alam mo ‘yon parang celebration of Pinoy language. You have to speak in your own tongue kung saan ka ba talaga komportable.
“At tama lang na Tagalog ang ginamit niyang language. Sobrang nakaka-touch, sobrang from the heart yong sagot niya. Sobrang nakakakilabot, for me isa pang try,” sabi pa ni Kylie.
Pero ipinagdiinan naman ni Kylie sa amin na aprub din sa kanya ang mga winners sa Binibining Pilipinas this year.
Samantala, muling magtatambal sina Kylie at Marco sa bagong sexy- romantic film ng Viva Films na “Baby Boy, Baby Girl” sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.
Ito na ang ikalimang proyekto nina Kylie at Marco kaya naman siguradong gamay na gamay na nila ang isa’t isa, lalo na ang paggawa ng mga intimate scenes. Magsisimula na silang mag-lock-in taping next week.
Ang “Baby Boy, Baby Girl” ay tungkol sa nauuso at pinag-uusapan na ngayong ngayong raket sa online ng mga tinatawag na “sugar babies.” Sila ang mga upgraded version ng mga taong pumapatol sa mga DOM at mga matrona.
https://bandera.inquirer.net/313801/kylie-verzosa-malungkot-pa-rin-sa-hiwalayan-nila-ni-jake-zanjoe-magkakadyowa-na
https://bandera.inquirer.net/299556/paghuhubad-ni-kylie-sa-pelikula-bina-bash-im-an-actress-at-meron-pa-akong-pwedeng-ipakita
https://bandera.inquirer.net/293326/kylie-bilib-sa-mga-sex-scenes-ni-jake-sa-pelikula-gusto-ko-ring-maging-katulad-niya