Bea dumanas din ng hirap sa buhay: Magkano kaya kikitain ko sa linggong ‘to? Makakabayad kaya kami ng kuryente at rent sa bahay?

Bea Alonzo

ISA talaga sa naging rason ng award-winning Kapuso actress na si Bea Alonzo sa pagpasok sa showbiz ay ang kumita ng malaki para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Inamin ng dalaga na siya ang naging breadwinner sa pamilya kaya naman nagsipag siya nang todo sa kanyang pagtatrabaho.

Totoong dumaan din sa hirap,  pagsasakripisyo at matitinding challanges sa buhay ang “Start-Up PH” actress noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

“I remember, when I would show up for work, iniisip ko na, ‘Uy, magkano kaya kikitain ko sa linggong ‘to? Ano kaya ipambibili namin ng ganito? Makakabayad kaya kami ng kuryente, ng rent sa bahay?’” ang pagbabahagi ni Bea sa isang magazine interview.

Noong kabataan niya, parang nanay na rin ang tingin at turing sa kanya ng kanyang kapatid na si James dahil nga sa mga ginagawa nitong pagsasakripisyo para sa kanilang family.

“I’m four years older than my brother but he treats me as if I’m also his mom, so he has two moms because he knew I was sending him to school.

“He knew I was putting food on the table, and that changed a lot of dynamics, pagdating sa pamilya namin.

“But one thing I find nice about it is even though I used to be a breadwinner, ‘yung dynamics namin ng nanay ko, klaro na nanay ko siya,” aniya pa.


Samantala, may nabasa naman akong interview ni Bea tungkol sa napapanahong isyu ng pagpapatawad at pagso-sorry.

In fairness, maganda ang naging paliwanag ng aktres sa tanong sa kanya na, “What are your thoughts about the words ‘apologize’ and ‘forgive’?”

“Ako sobrang nag-a-apply sa akin ‘to, but may sinabi nga ako sa isa sa movie ko sa YouTube with John Lloyd (Cruz), na sobrang nag resonate saakin yung line na minsan may mga pagpapatawad na kailangan mong ibigay kahit hindi hinihingi.

“Kasi sometimes ang hirap-hirap talaga magpatawad, lalo na pag hindi nag te-take accountability yung tao na nakasakit sa ‘yo.

“But you owe it to yourself to forgive not because of the person who hurt you but because of yourself. You do it for yourself para wala ka nang bagahe. Kasi mas masarap mag move on sa buhay na magaan,” paliwanag pa ng leading lady ni Alden Richards sa Pinoy version ng Korean series na “Start-Up.”

https://bandera.inquirer.net/283597/bea-hindi-pa-rin-napapatawad-si-gerald-ayaw-nang-ma-pressure-kung-kailan-magpapakasal

https://bandera.inquirer.net/313481/bea-alonzo-game-na-game-na-sa-reunion-project-nila-ni-john-lloyd-cruz-pero-depende-pa-rin-iyan-kung

https://bandera.inquirer.net/317193/lolit-ayaw-tantanan-si-bea-ewan-ko-ba-kung-bakit-hindi-na-mukhang-fresh-at-yummy

Read more...