MAINIT pa ring pinag-uusapan ngayon ang naging resulta sa naganap na 70th FAMAS Awards last Saturday, July 30, sa Metropolitan Theater, Manila.
At isa nga sa ikinagulat ng mga netizens ay ang pagkapanalo ni Johnrey Rivas bilang Best Supporting Actor para sa martial law film na “Katips” na siya ring nanalong Best Picture at Best Director naman para kay Vince Tañada.
Marami tuloy ang na-curious sa akting ni Johnrey sa “Katips” dahil natalo nga niya sa Best Supporting Actor category sina John Arcilla para sa mga pelikulang “A Hard Day” at “Big Night,” ang co-star ni Johnrey sa “Katips” na si Mon Confiado at si Nico Antonio para rin sa “Big Night.”
Sa presscon para sa pelikula nina Johnrey last July 27, (bago maganap ang awards night), natanong ang aktor kung ano na-feel niya nang malamang nominado siya sa FAMAS.
“Hindi po ako makagalaw! Nasa CR po ako nu’n nu’ng nakita ko yung mga picture ng FAMAS sa Facebook. Basta, paligo na po ako nu’n, nu’ng nakita ko.
“’Tapos, nu’ng nakita ko, nagulat po ako at sobra po akong na-overwhelm at sumigaw po talaga ako na, ‘Totoo ba ‘to?!’ Nagkamali lang ba sila or what not.
“Pero iyon nga po, totoo nga po siya kaya sobra pong na-overwhelm ako hanggang ngayon po, kaya tuwang-tuwa po ako, sobra,” aniya.
Ito ang sagot ng aktor nang matanong kung anong sasabihin niya kapag nanalo siyang Best Supporting Actor, “Hindi ko po alam talaga! Hindi ko pa po siya… yung ma-nominate nga lang po, ngayon po para akong nasa langit, parang lagi po akong nakalutang.
“Nakalutang po talaga yung feeling ko, e. Pero kung manalo man po ako, ako na po siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo!
“Kasi grabe po yung mga kahilera ko. Alam ko po na sa akin pa lang po, hindi na po ako nag-e-expect na mananalo ako, sa totoo lang.
“Ang sa akin na lang po nandu’n kami, sama-sama kami ng mga bumubuo ng KATIPS at napansin kami ng FAMAS mismo, oh my God! So, iyon po pa lang, sakto at solved na po ako.”
Samantala, may frontal nudity si Johnrey sa “Katips” at game na game talaga siya na ginawa ito dahil naniniwala siya sa pelikula.
“Kasi po, sa theater po lalo ang mga ginagawa po naming plays ay mga experimental plays. Talagang out-of-the box plays po siya. Wala na po sa amin ang paghuhubad, basta po ang sa amin lang is nakakatulong siya sa pag-forward ng story.
“Hindi naman po naghubad ka lang for the sake na naghubad. Dapat po, naghubad kayo, may dahilan at may ambag sa pagpapatakbo ng istorya.
“Napapayag po nila ako kasi I really love the character, original po ako sa stageplay version nito. It was a stage play before, back in 2016, same role.
“And it was a challenge for me, kasi twenty-plus na ako ngayon ‘tapos seventeen ako back then nung nag-original ‘to.
“So, sabi ko malaking role ‘to sa akin, so nagpapayat po ako talagang kung anu-ano pong ginawa ko, para lang ma-achieve ko itong character para ma-fit po ulit ako sa character.
“Then I’m happy kasi kung pangit po ang ginawa ko hindi naman siguro mapapansin ng FAMAS,” ani Johnrey.
Showing na ngayong araw sa mga sinehan ang “Katips” kasabay ng “Maid In Malacañang.”
https://bandera.inquirer.net/320230/juliana-parizcova-kinuwestiyon-ang-paghakot-ng-awards-ng-katips-sa-famas-nanalong-best-supporting-actor-inokray
https://bandera.inquirer.net/320147/martial-law-movie-na-katips-humakot-ng-trophy-sa-famas-2022-vince-taada-tinuhog-ang-best-actor-at-best-director-awards
https://bandera.inquirer.net/320055/vince-tanada-inilaban-na-mapanood-sa-mas-maraming-sinehan-ang-katips