GOOD news para sa lahat ng fans ng interactive live Boys’ Love (BL) series na “Kumusta Bro” na nagsimulang mapanood sa Kumu last year.
Ito ang first-ever series na gumamit ng live stream app as the main platform kung saan pwedeng makipag-interact ang viewers sa mga character sa kuwento.
At dahil sa tagumpay nito, magiging full-length series na ang “Kumusta Bro” sa Vivamax Plus with all fresh new episodes.
Bibida rito sina Sky Quizon as Thirdy, Kristof Garcia as Bench, Allen Cecilio as Dean and RJ Agustin as Cerwin — na kilala rin sa tawag na “original four.”
Makakasama rin dito sina Divine Aucina, JM Mendoza, transwoman Kimi Quindoza, Nicki Morena, Robin Hanrath, Spencer Abadilla, Alex Agustin, Richie Macapagal, RJ Buena, with the special participation of Richard Quan.
Ayon kay Real Florido, ang direktor ng serye, “Kung noon nasa livestream lang kami, ngayon ay malalaman at makikita na ng mga tao ang mas malalim at mas nakakakilig na kwento nila Thirdy, Bench, Dean, Cerwi and Fons.
“Ito ay ‘love pentagon, five boys ang sala-salabat na nagmamahalan at nasasaktan. Kwento ito ni Thirdy tumakas sa ingay ng buhay sa Manila para layuan sina Dean, Bench and Cerwin.
“Only to find out na pagdating nya sa vacation place ay nandun din ang mga ito at doon ay hinarap nila ang mga totong nararamdaman nila para sa isa’t isa.
“Pagbalik ni Thirdie sa Manila ay nalaman niyang kailangan niyang suportahan ang sarili para mabuhay, luckily natanggap siya sa isang cafe. Magiging saksi ang coffee shop na ito sa ups and downs ng buhay and love affairs ng mga bro,” kuwento ni Direk.
Sa kuwento, Sky is playing Thirdie, isang kilalang livestreamer na kasalukuyang nagtatapos ng kanyang masters degree in communication. Dahil sa financial challenges ng kanyang mga magulang na nasa abroad ay mapipilitan siyang suportahan ang sarili.
Kristof Garcia is Bench, college tropa ni Thirdie, recently ay nareconnect sila dahil sa livestream ni Thirdie. Rich kid, basketball player. Sa harap ng mga manood, naglakas-loob si Bench na i-out ang sarili niya at aminin ang nararamdaman para kay Thirdie.
Simula noon ay mas naging pursigido si Bench na ipakita kay Thirdie ang nararamdaman niya, hoping na mamahalin din siya nito. Totropahin o jojowahion? Yan ang tanong kay Bench.
Samantala, Allen Cecilio is Dean, highschool batchmate ni Thirdy na hindi niya napapansin noon. He is now an architect. Mula noon hanggang ngayon ay in love siya kay Thirdy. Kaya nung mag-krus ang landas nila ay mas napalapit ang dalawa sa isa’t isa.
RJ Agustin is Cerwin, young entrepreneur, ex ni Dean at Thirdy. Siya ang naging dahilan ng recent depression ni Thirdy nang mag-break sila. Magkakagulatan sila nang malaman na si Thirdy ang bagong barista sa cafe na pag-aari ni Cerwin.
JM Mendoza is Fons, kababata ni Thirdie na palaisipan pa kung sino talaga ang gusto. Siya ang barista-delivery guy ng coffe shop.
Importante ang inclusivity sa project na ito, at isa sa mga kaabang-abang na character dito ay isang transwoman, kaya ang gumanap ay isa talagang transwoman. Siya si Queen Khim Quindoza, winner of Binibining Pasigueña 2018.
Ang tema ng “KBTS” ay “acceptance”, isang malaking issue pa rin kasi ang pagtanggap sa members ng LGBTQIA+ sa Pilipinas, tanggap na ba talaga sila ng society?
O, ginagawa lang katatawanan? O ginagamit lang ang LGBTQIA+ kapag kailangan nila ng advocacy or event?
“Kumusta Bro” is written by Wiro Ladera and Liberty Trinidad and produced by Firestarters Productions.
https://bandera.inquirer.net/318374/kyle-echarri-tumangging-mag-trunks-sa-beach-bros-hindi-pa-confident-magpakita-ng-katawan
https://bandera.inquirer.net/292150/julia-proud-deans-lister-kahit-busy-sa-ang-probinsyano-nagpasalamat-sa-mga-professor
https://bandera.inquirer.net/282928/kiko-estrada-umaming-single-na-uli-kakaririn-muna-ang-trabaho