Suzette Doctolero sa pagtatapos ng ‘Probinsyano’: Susko, since 2016 pa sila nagsasabi na mag-e-end na pero nanloloko…

Suzette Doctolero at Coco Martin

LAUGH nang laugh ang netizens sa bagong hanash ng scriptwriter na si Suzette Doctolero laban sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Nag-rant kasi si Aling Suzette at sinabing gimik lang daw ang nalalapit ng ending ng show ni Coco Martin.

“Ay pinataob niya ang Encantadia? Hindi. Lumalaban sa ratings ang Enca at madalas ay natatalo nya ang probinsyano kaya unang nag announced noon ang Probinsyano na siya ay magwawakas na (2016) pero nanloko lang pala at hindi naman totoo at gusto lang balikan sila ng audience.

“Gumigimik. Sa totoo lang ay style nila yan na kapag bagsak sila sa ratings ay gigimik sila na magwawakas na pero hindi pala. Susko since 2016 pa ay nagsasabi sila lagi na mag e end na pero nanloloko.

“[Ayan] na naman sila porke nilalapa sila ng Lolong. Asus tigilan ako.”

‘Yan ang hanash ni Aling Suzette sa Facebook na inilabas ng isang entertainment website. Sadly, lalo lang na-bash si Aling Suzette sa kanyang recent aria.


“She is so envious of the great success of AP. Sa dami ng sponsors and knowing the higher rate of commercial placement at ABS, todo inggit yan.”

“Sumakit kasi ang ulo ni Doktolero sa AP. Hindi mapatumba tumba si Cardo. Wala pang prankisa yan pero pinapanood. Eh sila? Lol.

“Basta press release nila daks daw si Lolong. Ganun na KADESPERATE. At least ang AP ang pasabog eh mag eending lang. Tinalo na naman sila.”

“Bakit affected tong c Suzette? Hahaha, walang prangkisa yang kalaban nyo oy! Isa pa, kung panalo nman pala ang Enca at Lolong, anong pinagpuputok ng butchi nya if gumigimik ang AP?”

“Kaya nga mataas pala ratings nila so anong problema nya dami nya ngawngaw dkaya siya ang gumagawa ng ingay para pag usapan ang mga shows nya na never heard.”

“Proud na proud sya sa Encantadia nya na fake na fake ang background dahil sa studio lang kinukunan… cheap pa ng mga effects. bakit ba siya nakikisawsaw sa pagwawakas ng AP? Gurl, need mo muna magkaroon ng show na umabot ng ganyan katagal bago ka humanash. bitter much.”

Samantala, marami ang na-sad na magtatapos na ang “FPJ’s ang Probinsyano” next week.

Sa Facebook account ng Dreamscape, ang daming na-sad nang ipakita ang trailer ng show ni Coco Martin.

“I miss all the Cast of FPJ Ang Probinsyano. I love u Idol Coco (Cardo) nakikita ko sa u ang Idol ko c FPJ. Salamat Kapamilya nakakalungkot gabi x lagi kita khit madaling araw ng open ako ng Fb mapanood lang kita. God bless my plano ulit ang ABS sa mga movies ni FPJ.”

“Yes Gusto KO Makita n babagsak ang kasamaan nila (Lily, Renato, Armando, Lolita at de Vela) Keep up the good work team agila. Nakakalungkot lang n mgtatapos n ang teleserye ANG PROBINSIYANO.”

“Salamat sa 7 years na pagbibigay saya samin Ang Probinsyano naway pagpalain pa ang kapamilya network ni God.”

“Salamat sa 7 yrs n pagbibigay saya sa amin malukot ako sa pag tatapos nag probinsyano.”

“sooooo sad .more 10 yrs pa.go cardo forever.”

https://bandera.inquirer.net/291899/suzette-doctolero-naging-instant-fan-ni-andrea-hindi-lang-siya-katawan-may-puso-talino-at-husay-ang-babae
https://bandera.inquirer.net/288423/suzette-doctolero-kay-andoy-ranay-gma-lang-po-ang-gumagawa-ng-matatapang-na-kwento

https://bandera.inquirer.net/291741/gma-writer-sa-mga-pupuri-ng-viewers-sa-legal-wives-hindi-peke-kundi-totoo-hindi-nanloloko

Read more...