Nanay ni Herlene Budol dismayado rin sa resulta ng Bb. Pilipinas 2022: Para po sa akin ang anak ko ang winner

Herlene Budol

DISMAYADO rin pala ang nanay ni Herlene Nicole Budol sa naging resulta ng Binibining Pilipinas 2022 pageant nitong nagdaang Linggo.

Sa ipinakita raw kasing pagrampa ng Kapuso comedienne mula sa introduction hanggang sa swimsuit, evening gown at question and answer round ay inasahan nilang mabibigyan ito ng major title.

Naniniwala ang nanay ni Hipon Girl na si Len Timbol na ginawa at ibinigay ng anak ang lahat-lahat para maibandera ang kakayahan at talento nito sa buong mundo bilang aspiring beauty queen.

Kaya hindi maiaalis sa kanila ang magtaka kung bakit 1st Runner-up lang ang dalaga. Pero ani Gng. Len, masaya na rin daw sila sa naabot ni Herlene sa pageant plus the fact na siya ang binansagang “Hakot Queen” dahil sa naiuwi niyang special awards.

“Para po sa akin ang anak ko ang winner pero okay naman po at panalo rin,” sabi ng nanay ng komedyana sa panayam ng “The Thrillmaker.”


Inilarawan pa niyang “super” ang naging performance ng anak niya at maging sa question and answer portion ay hindi rin nagpatalbog ang dalaga na agaw-eksena sa pagsagot nito ng Tagalog.

Sa tanong kung ano sa tingin  niya ang naging weakness ng anak sa paglaban nito sa Binibining Pilipinas 2022, “Sa palagay ko po wala kasi binigay pong lahat ni Hipon. Ginawa po niyang lahat. Perfect!

“Hindi naman alam kung bakit ganun ang naging resulta. Anyway, masaya naman po kami para sa kanya. Hindi kami umuwing luhaan,” aniya pa.

“Para sa akin, ‘yung pinakabonggang performance is yung sa swimsuit po. Talagang napakagaling po niyang rumampa, ‘yung walk niya sobrang ganda.

“Medyo disappointed inaasahan naming siya ang best in swimsuit pero iba po ‘yung in-announce. Pero it’s ok lang po, laban ‘yan, e,” dagdag pa niya.

https://bandera.inquirer.net/320299/herlene-budol-ayaw-nang-sumali-sa-kahit-anong-beauty-pageant
https://bandera.inquirer.net/314425/herlene-budol-binabatikos-ng-mga-netizens-i-love-the-duality
https://bandera.inquirer.net/311634/herlene-budol-kering-keri-ang-hipon-walk-at-tempura-walk-para-sa-binibining-pilipinas-2022

Read more...