Tippy Dos Santos natupad na ang pangarap, graduate na sa law school

Tippy Dos Santos natupad na ang pangarap, graduate na sa law school

PROUD na proud na ibinandera ng singer-actress na si Tippy Dos Santos ang kanyang bagong achievement sa buhay.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang nalalapit niyang pag-graduate ng Juris Doctor degree sa University of the Philippines College of Law.

“I vividly remember a moment I had by one of the UP Diliman kiosks, crying while eating Chilimansi pancit canton right after I was told I failed my first ever law school exam,” saad ni Tippy.

Aniya, akala niya ay iyon na ang katapusan ng kanyang pinapangarap na law school journey.

“I thought that was the end of my law school journey, but by God’s grace, and with the endless support of people around me, I managed to make it to the finish line,” pagpapatuloy pa ni Tippy.

At makalipas nga ng apat na taon ay natupad na ng singer-actress ang kanyang pangarap na makapagtapos at with flying colors pa nga dalhin nagkamit ito ng the Dean’s Medalist for Academic Excellence.

“Here we are today, 4 years later and finally free from the fear of the unknown in UP Law,” sey pa ni Tippy.

Nagpasalamat rin siya sa lahat ng mga taong walang sawang nagparamdam at nagbigay sa kanya ng suporta gaya ng kanyang mga magulang, kapatid, at asawa.

Matatandaang noong April 2022 nang magpakasal si Tippy sa kanyang longtime boyfriend na si Miguel Porcubna.

Sa kanyang kasal rin nangyari ang reunion nila ng actor-singer na si Sam Concepcion kung saan kinanta nila ang kanilang hit single na “Dati”.

Bago pa man pumasok ng law school ay nag-aral at nagtapos na rin si Tippy sa Up Diliman ng kursong Family Life and Child Development.

Related Chika:
OPM Artists humingi ng tulong kay P-noy; ‘Araw ng Musikang Pilipino’ isinusulong sa Palasyo

Toni Gonzaga may resbak sa bashers, naglabas ng cover ng ‘Roar’

Jasmine, Sam sobrang in love sa isa’t isa

Read more...