Barbie Imperial: Hindi ko pinaretoke ang ilong at boobs ko!

Barbie Imperial

SINAGOT ni Barbie Imperial ang mga savage questions about her in her latest YouTube vlog.

Walang inurungang tanong sa mga samut-saring intriga sa kanya ang young actress. Talagang sinagot niya ang mga ito bawat isa.

May isang basher na nang-intriga  sa kanyang tanong na, “Nagparetoke ka ba? (Padagdag ng boobs or nagpaayos ng ilong?)”

Well, hindi naman ito inurungan ni Barbie who said, “Okay first of all, I have nothing against du’n sa mga nagpapa-enhance ng ng mga katawan nila.


“Kasi siyempre, gusto nilang maging mas confident, eh. Wala namang masama du’n and hindi ninyo naman pera so ‘wag ninyo pakialaman ‘yung mga buhay ng gustong magpa-enhance,” she said.

Kasabay niyon, itinanggi ni Barbie na nagparetoke siya ng ilong.

“But for me, ‘yung ilong ko, hindi po ako nagpaayos ng ilong, totoo po ‘yan. Yung boobs ko naman, hindi ko rin pinaayos ‘to.

“Kasi kung pinaayos ko ‘to, sana pinapantay ko. Kasi ‘yung mga comments about me, hindi daw pantay ‘yung boobs ko, ganito, ganyan,” paliwanag niya.

“Perfect mo, grabe! Patingin nu’ng boobs mo. Minsan nakakaano pa kasi minsan ‘yung mga lalaki pa mismo yung nagko-comment na hindi raw pantay ‘yung boobs ko,” dagdag pa ng dalaga.

* * *

May bago na namang nakaka-LSS na awitin si Moira dela Torre, ang “Babalik Sa ‘Yo” na bahagi rin ng official soundtrack ng “2 Good 2 Be True.”

Swak ang kanta sa nakakakilig na kwento nina Ali Fajardo at Eloy Borja bilang subtheme song ng patok na ABS-CBN Entertainment primetime series na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Tungkol ang “Babalik Sa ’Yo” sa pagdating ng hindi inaasahang pag-ibig at pagnanais na gawin ang lahat makapiling lang ang minamahal. Isinulat ito para sa nasabing serye nina Moira dela Torre at Jason Hernandez at inilunsad sa ilalim ng Star Music.

Nitong Huwebes (July 21), inilabas na rin ni Moira ang lyric visualizer ng kanta niyang “Kumpas” na official theme song ng “2 Good 2 Be True.” Naririnig at nagpapakilig ang awitin sa tuwing may espesyal na eksena sina Ali at Eloy.

Dalawang buwan pagkatapos itong ilabas, may halos 8 million plays na ang “Kumpas” sa Spotify at halos 8 million views din sa YouTube para sa lyric video nito.

Namnamin ang mga nagpapa-ibig na eksena sa “2 Good 2 Be True” at pakinggan ang subtheme song nitong “Babalik Sa ’Yo” ni Moira na available na ngayon sa iba’t ibang digital streaming platforms.

https://bandera.inquirer.net/313518/derek-sa-lampungan-video-nila-ni-ellen-hoy-im-not-a-boob-guy-i-just-want-to-nibble

https://bandera.inquirer.net/319969/madam-inutz-nagparetoke-ng-ilong-hindi-naman-porket-nagpagawa-ka-is-hindi-ka-na-kuntento
https://bandera.inquirer.net/242839/sey-mo-chiz-boobs-ni-heart-pinagpiyestahan

Read more...