Eula sa paulit-ulit na role bilang inang nawawala ang anak: Walang maliit na role, nasa ‘yo na kung paano mo gagawing special

Eula Valdes

SUPER happy ang seasoned actress na si Eula Valdes sa pagbabalik niya sa GMA 7 bilang bahagi ng bagong Kapuso series na “Return To Paradise.”

Kung hindi kami nagkakamali, ang huling proyekto ni Eula sa GMA ay ang remake ng “Encantadia” noong 2017 kung saan ginampanan niya ang karakter ng kontrabidang si Hara Avria.

Sa naganap na virtual presscon ng “Return To Paradise” na nagsimula na kahapon sa GMA Afternoon Prime, sinabi ng aktres na excited siya sa pagbabalik niya sa Kapuso Network.

Aniya, masaya ang kanyang pagbabalik-Kapuso dahil sa mga co-stars niya sa “Return to Paradise” at sa mga bago at exciting experience niya habang ginagawa nila ang sexy-drama series.

“Masaya ako na nakabalik ako ng GMA and mas masayang katrabaho ultimo hanggang sa crew.

“Kapag nagte-taping ka, pantay-pantay lahat. Wala yung nagka-camera ka, quiet ka lang, yung direktor lang ang magsasalita. Magaan ang trabaho mo kapag magkakasundo at masasaya lahat,” pahayag ng aktres.

Kuwento ni Eula, isang nanay na naghahanap na naman sa anak niyang nawawala ang kanyang karakter sa nasabing serye pero siniguro raw niya na binigyan niya ito ng kakaibang atake.

Sey ng aktres, naniniwala siyang walang maliit o paulit-ulit na role sa isang teleserye at pelikula, “Lahat naman ng trabaho, may challenge. Nasa tao ‘yan.


“Example lang, kahit na hindi ganoon kahirap yung ibigay sa ‘yo na eksena, kailangan mong trabahuhin.

“Kailangan mong intindihin para maging special. Hindi yung parang, okay, kinunan lang, tapos o tsika ulit tayo.

“Kailangan continuous pa rin. Kumbaga, may assignment ka. Kailangan mong pag-aralan lahat kahit pare-parehong nawawalan ng anak,” katwiran ni Eula.

Dagdag pa niya, “Normally, lagi akong naghahanap ng anak o nahihiwalay sa anak, pero gawin mong special yung paghahanap mo. Umangkas ka o mag-Grab ka.

“Walang maliit na role. Walang paulit-ulit na role. Nasa sa ‘yo kung paano mo gagawin na special o paano mo gagawin na iba,” sey pa ng aktres.

Pinuri rin niya ang bida sa “Return To Paradise” na si Elle Villanueva na siyang leading lady ni Derrick Monasterio sa programa.

In fairness, daw sa baguhang aktres, nakikipagsabayan ito sa aktingan at hindi niya ito nakitaan ng takot.

“Bukod sa maganda siya at maganda ang kulay, gustung-gusto ko ang kulay niya, tinitingnan ko siya sa mata kapag nag-eeksena kami.

“Naka-focus naman siya at may mga ibibigay pa siya. Baguhan pa siya pero mukhang malalim naman yung bata at willing to learn.

“Tinatantiya ko pa siya minsan. Ewan ko kung nararamdaman niya pero head-on siya. Nakikisabay, nakikipagsabayan din. Hindi siya nai-intimidate.

“Hindi ko nararamdaman na hesitant siya or parang, ‘Bahala na, natatakot ako.’ Walang ganoon. Seryoso siya, gusto niyang mag-artista talaga,” sey pa ni Eula patungkol kay Elle.

Napapanood na ang “Return To Paradise” sa GMA Afternoon Prime.
https://bandera.inquirer.net/284239/eula-naranasan-ang-matinding-init-habang-nakamotor-mas-bumilib-sa-mga-delivery-rider

https://bandera.inquirer.net/320107/derrick-monasterio-elle-villanueva-parehong-palaban-sa-hubaran-magpapainit-sa-return-to-paradise
https://bandera.inquirer.net/320101/hirit-ni-kiray-dapat-p500k-ang-engagement-ring-na-ibibigay-ng-dyowa-may-trabaho-naman-siya-kaya-galingan-niya-no

Read more...