Budget para sana sa catering service ng ‘Maid In Malacañang’ premiere night ido-donate sa mga nasalanta ng lindol

Darryl Yap at Imee Marcos

ANG dami pala talaga nating mga kababayang OFW na gustong mapanood ang “Maid In Malacanang” kaya tinatanong kami ng mga kaklase namin nu’ng college at mga kaanak kung maganda ba ang pelikulang idinirek ni Darryl Yap.

Nagkuwento kami base sa pagkakaintindi namin sa pelikula at sabi namin, panoorin na lang nila para maka-relate sila sa mga sinasabi namin.

May nakausap kaming may alam din kung anong nangyari noong mga huling araw ng pamilya Marcos sa Malacañang dahil ang magulang niya ay kasama rin pala ng dating First Family, pero siyempre gusto niyang mapanood ang kabuuan ng pelikula at saka raw kami magtsikahan.

Samantala, bago ang premiere screening ng “Maid In Malacanang” noong Biyernes ay naglabas ng official statement si Sen. Imee Marcos na ang gagastusin sa catering services para sa malaking pagtitipong iyon ay ido-donate sa mga nawalan ng bahay at iba pang nangangailangan ng tulong sa Norte na niyanig ng lindol.

Ayon sa senadora, “Personal kong nasaksihan na maraming nawalan ng bahay at buhay sa pagbisita ko sa Ilocandia at Abra, kaya gagawin naming simple kaysa magarbo ang Premiere Night ng Maid In Malacañang ngayong araw, July 29.

“Nagkasundo ang buong cast at crew na i-donate sa mga nasalanta ng lindol ang budget sa catering.

“Sana ay maunawaan ng mga manonood ang simpleng opening night ng aming pelikula. Sapat na sa amin at ng aking pamilya na maipakita ang aming panig ng kwento at kasaysayan.


“Mas mahalaga ngayon na matulungan ang mga kababayan natin na nasalanta ng lindol. Maraming salamat po,” aniya.

Ipinalabas sa tatlong sinehan sa SM North Edsa The Block ang “Maid In Malacañang” na nakakuha ng “PG” classification mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang pelikula ay mula sa Viva Films at Vincentiments, at pinagbibidahan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo at marami pang iba.

Maraming dapat abangan na eksena rito, isa na ang confrontation scene ng mag-amang Cesar at Diego bilang sina dating Presidente Ferdinand Marcos at ngayo’y Pangulong Bongbong Marcos.

First project nila ito na magkasama pero talagang hindi nagpalamon si Diego sa multi-awarded na ama.

Sa August 3 ang playdate ng movie sa mga sinehan sa bansa, sa Agosto 12 naman ito mapapanood sa ibang parte ng Amerika, Canada, Japan at Singapore simula at sa 19 naman ito magsisimulang mapanood sa UAE.

https://bandera.inquirer.net/319855/abra-niyanig-ng-magnitude-7-3-na-lindol-naramdaman-din-sa-ncr-iba-pang-bahagi-ng-luzon

https://bandera.inquirer.net/320236/rufa-mae-napaiyak-habang-lumilindol-feel-na-feel-ko-ang-mala-horror-experience-sa-loob-ng-condo-namin

https://bandera.inquirer.net/320236/rufa-mae-napaiyak-habang-lumilindol-feel-na-feel-ko-ang-mala-horror-experience-sa-loob-ng-condo-namin

Read more...