Vhong Navarro pinakakasuhan ng rape, acts of lasciviousness ng Court of Appeals base sa reklamo ni Deniece Cornejo

Vhong Navarro at Deniece Cornejo

SIGURADONG nawindang ang kampo ng TV host-comedian na si Vhong Navarro matapos ipag-utos ng Court of Appeals (CA) ang pagsasampa ng mga kasong rape at acts of lasciviousness sa korte laban sa kanya.

Inatasan ng CA ang Taguig prosecutor’s office na sampahan ng mga kaukulang kaso ang komedyante para sa umano’y pang-aabuso sa model na si Deniece Milinette Cornejo noong 2014.

Base sa 26-pahinang desisyon ng 14th Division ng CA, sumang-ayon ito na aprubahan ang petisyon ni Deniece Cornejo at ibasura ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) noong April 30, 2018 at July 14, 2020.


Ang nasabing resolusyon ay mula kay CA Associate Justice Florencio Mamauag Jr. kasama sina Associate Justices Victoria Isabel Paredes at Mary Charlene Hernandez-Azura concurring.

“It was erroneous for the DOJ to deny Cornejo’s petition for review on the ground that her statements in the complaint-affidavits are inconsistent and incredible.

“In this regard, it bears to stress that the determination of probable cause does not depend on the validity or merits of a party’s accusation or defense or on the admissibility or veracity of testimonies presented,” ayon sa CA.

Dagdag pa rito ang nakasaad sa resolusyon na, “Issues of credibility should be adjudged during the trial proper. It goes without saying that it is the trial court that has the unique power and position to observe the witnesses’ deportment, manner of testifying, emphasis, gesture, and inflection of the voice, all of which are potent aids in ascertaining the witnesses’ credibility.

“However artful a corrupt witness may be, there is generally, under the pressure of a skillful cross-examination, something in his manner or bearing on the stand that betrays him, and thereby destroys the force of his testimony.”

Ipinunto rin ng CA na, “What is merely required is probability of guilt, the determination of which does not call for the application of rules or standards of proof that a judgment of conviction requires after trial on the merits.

“It is enough that it is believed that the act or omission complained of constitutes the offense charged.  Precisely, there is a trial for the reception of evidence of the prosecution in support of the charge.”

Matatandaang nagsampa ng tatlong magkakahiwalay na reklamo si Deniece Cornejo laban kay Vhong sa OCP Taguig.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang reaksyon ang Kapamilya host sa nasabing kaso. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng aktor hinggil dito.

Pero sa naunang pahayag ng komedyante, siya ang biktima sa nasabing kaso dahil bukod sa pambubugbog sa kanya, hiningan pa raw siya ng pera ng grupo nina Deniece Cornejo.

https://bandera.inquirer.net/316766/vhong-navarro-inasar-si-ruffa-gutierrez-sa-ex-boyfriend-na-si-john-lloyd-cruz

https://bandera.inquirer.net/304529/vhong-napaiyak-nang-bigyan-ni-willie-ng-p1-m-bilang-tulong-matapos-mabugbog-at-maospital

https://bandera.inquirer.net/319313/netizen-mas-gustong-mag-darna-si-nadine-lustre-kesa-kay-jane-de-leon-hirit-ng-fans-bigyan-nyo-naman-ng-chance

Read more...