Miss Cebu City Nicole Borromeo waging Bb. Pilipinas International 2022; Herlene Budol itinanghal na 1st runner-up

2nd runner-up - Stacey Gabriel, Bb. Pilipinas Globe si Chelsea Fernandez, Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo, Bb. Pilipinas Grand International Roberta Tamondong at  1st runner-up Herlene Nicole Budol

2nd runner-up Stacey Gabriel, Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez, Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano, Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo, Bb. Pilipinas Grand International Roberta Tamondong at  1st runner-up Herlene Nicole Budol

WAGING Binibining Pilipinas International 2022 si Miss Cebu City Nicole Borromeo sa katatapos lang na grand coronation night ng pageant na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City, Quezon City.

Tatlong iba pang mga reyna ang kinoronahan mula sa 40 kandidata na naglaban-laban ngayong taon.

Itinanghal na Bb. Pilipinas Intercontinental si Gabrielle Basiano mula sa Eastern Samar habang waging Bb. Pilipinas Globe si Chelsea Fernandez mula sa Tacloban City, at Bb. Pilipinas Grand International naman si Roberta Angela Tamondong mula sa San Pablo, Laguna.

First runner-up si Herlene Nicole Budol mula sa Angono, Rizal habang second runner-up si Stacey Daniella Gabriel mula sa Cainta, Rizal.


Sasabak sa kani-kanilang mga pandaigdigang patimpalak ngayong darating na Oktubre sina Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe at Bb. Pilipinas Grand International habang sa susunod na taon pa lilipad si Bb. International.

Si Hannah Arnold, 2021 Bb. Pilipinas International, ang lalaban sa ika-60 edisyon ng Miss International sa darating na Disyembre.
Dalawang taong hindi nakapagtanghal ang naturang pandaigdigang patimpalak dahil sa pandemyang bunga ng COVID-19.

Naging matagumpay naman ang mga ka-batch ni Hannah bilang mga reyna ng 2021 Bb. Pilipinas pageant. Nasungkit ni Cinderella Faye Obeñita ang korona bilang Miss Intercontinental, habang inuwi naman ni Maureen Montagne ang titulo bilang Miss Globe.

Pinasigla ng P-pop group na SB19 ang pagtatanghal ng 2022 Bb. Pilipinas grand coronation night sa pag-awit nila sa tanyag na theme song ng pageant sa opening number. Muli pa silang sumampa sa entablado upang aliwin ang mga manonood sa mga awitin nilang “Bazinga” at “SLMT.”

Samantala, higit pang pinainit ni Maymay Entrata ang swimsuit competition nang awitin niya ang patok niyang kantang “Amakabogera” habang rumarampa ang Top 12.

Nagbalik bilang host sina 2018 Miss Universe Catriona Gray at 2016 Miss Grand International first runner-up Nicole Cordoves.

Binantayan naman nina Kapamilya heartthrob Edward Barber at 2020 Miss Grand International first runner-up Samantha Bernardo ang chatroom kasama ang mga nanonood online.

Nagpakilig din ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan na nagbigay ng tanong sa question-and-answer portion sa pamamagitan ng isang video. Ganito rin ang naging partisipasyon nina 2020 Miss Grand International Abena Appiah ng Estados Unidos, at reelected Sen. Risa Hontiveros.

https://bandera.inquirer.net/313464/bb-pilipinas-candidates-rumampa-sa-pagbabalik-ng-santacruzan-sa-araneta-herlene-budol-agaw-eksena
https://bandera.inquirer.net/311634/herlene-budol-kering-keri-ang-hipon-walk-at-tempura-walk-para-sa-binibining-pilipinas-2022
https://bandera.inquirer.net/317552/concert-ng-the-juans-sa-big-dome-tuloy-na-tuloy-na-may-bida-at-kontrabida-rin-sa-tema-ng-show

Read more...