Sharon ‘sick & baldado’ sa Amerika, hindi nakasabay kay Regine sa pag-uwi ng Pinas: Bumigay na rin my body…

Sharon Cuneta at Regine Velasquez

NAGKASAKIT si Megastar Sharon Cuneta pagkatapos ng “ICONIC” concert tour nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Amerika.

Ayon sa OPM at movie icon, ilang araw siyang nakahiga lang sa kama habang nagpapagaling matapos dapuan ng sakit pero hindi niya idinetalye kung ano ang kanyang karamdaman.

Sa kanyang Instagram post last Thursday, nabanggit niya na naunang umuwi ng Pilipinas si Regine dahil nga hindi na kinaya ng kanyang kundisyon na inilarawan niyang “sick and baldado.”


Sa ipinost niyang litrato nila ni Regine sa IG ito ang nakasulat na caption, “My Nana (tawag niya sa Songbird) is flying back to Manila ahead of me. And because I’ve been sick and baldado (haven’t gotten out of bed since we arrived in L.A. July 25) – bumigay na rin my body – we haven’t really had the chance to go out and just relax together.

“I miss her and will miss her so much more when she leaves… I love you, my Nana,” ani Mega.
Sa isa pa niyang IG post, makikita ang selfie photo nila ni Regine na kuha sa isang sasakyan. Sabi niya sa caption, “Goodnight, my Nana… Praying for your safe and restful flight home.

“I miss you and love you very much. Thank you for a wonderful and extremely happy concert tour!”

* * *

Opisyal nang pinasok ni dating “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” celebrity housemate Shanaia Gomez ang recording sa paglunsad niya ng kanyang debut single na pinamagatang “Para Sa’yo” na alay niya sa taong tunay na maalaga at nagmamahal.

Handog ng Star Pop ang upbeat song na nilalarawan ang positibong epekto sa tao ng isang mabuting relasyon. Ipinrodyus ito ni Star Pop label head Rox Santos.

Bago niya tuluyang pinasok ang recording, nagpakilig muna si Shanaia sa “Diwata” at “Ikaw Ang” music videos bilang apple of the eye ni Sam Concepcion. Napapanood din siya sa trending series na “He’s Into Her” season 2 bilang Dominique.


Pinasok ni Shanaia ang industriya ng showbiz noong 2019 bilang contestant sa “Idol Philippines” season 1. Isa si Dua Lipa sa itinuturing niyang musical influences at paborito niya ring pakinggan ang musika ni Harry Styles at ng One Direction.

Napapakinggan na ang “Para Sa’yo” ni Shanaia sa iba’t ibang digital streaming platforms.

Regine inireklamo ang socmed accounts na nakapangalan kay Nate: Sorry, I’m just trying to protect my son

Wish ni Zanjoe: Sana ang maalala ng tao sa akin ay yung simpleng taga-probinsya na naabot ang mga pangarap niya dahil…

‘Nakakaloka ang pa-house tour ni Kiray sa Tagaytay!’

Read more...