NAIPALABAS na noong Miyerkules, July 27 ang pasilip sa pinakabagong sitcom ni Maja Salvador na in-upload na sa social media platforms ng TV5.
Mukhang excited na ang kanyang mga supporters na masilayang muli ang tinaguriang Majestic Superstar sa telebisyon dahil nag-trending kaagad ang hashtag na #OhMyKoronaTV5 sa Twitter at lumampas naman sa 95K views ang trailer ng “Oh My Korona” sa official Facebook ng TV5.
Bida sa nasabing show sina Maja at dating kapareha na si RK Bagatsing sa teleseryeng “Wildflower” na napanood sa ABS-CBN noong 2017.
At sa muli nilang pagtatambal na tinawag na ‘MaMon’ ay kinakiligan ng mga supporters dahil ito ang pinaka-unang balik-tambalan nila pagkatapos ng ang kanilang hit teleserye na “Wildflower”.
Iba-iba man ang mga naging reaksyon at komento ng netizens sa trailer ng nasabing sitcom, nangibabaw pa rin ang suporta at excitement ng mga manonood sa nalalapit na pag-ere ng “Oh My Korona” sa TV5.
* * *
Naka-tsikahan namin ang kilalang TV reporter na nakapanayam ang bagong hepe ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na si Chairperson Lala Sotto-Antonio na marami siyang magagandang plano para sa ahensiya.
Isa rin sa plano ni Chair Lala ay ang tungkol sa mga pelikula o programang inilalabas sa online platform na hindi sakop ng MTRCB kaya naman nag-reach out na siya sa mga dapat kausapin tulad ng Netflix, Amazon Prime at pati Vivamax na numero unong nagpapalabas ng mga sexy produced ng Viva films.
Sabi ng TV reporter na naka-tsikahan namin, “e, nagpapa-schedule siya ng dialogue with these online platforms at open naman daw siya (Ms Lala) sa mga gusto ng producers.
“Pero mahirap ‘yan kasi siyempre sa online platforms kumikita ang producers ng sexy films saka ‘yung sa iba pa, e, papayag ba silang putulin ito?”
Sabi namin na ‘nasa pag-uusap naman ‘yan, puwede namang ipalabas ‘yan as long as walang penetration sa mga sexy movies.’
“Well, abangan natin kung anong mangyayari,” kaswal na sabi ng aming kausap.
Related Chika:
Maja Salvador tuloy-tuloy ang projects, wala pang balak mag-settle down: Kung mangyayari po, mangyayari…
Maja Salvador: Black is out, PINK IS IN!