Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega magdyowa na?

Yasser Marta, Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix

HINDI man aminin nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ang tunay nilang relasyon ay halatang espesyal sila sa isa’t isa.

Sa mga tinginan at magagandang ngiti pa lang nila habang kinakapanayam namin pagkatapos ng screening ng una nilang TV series na “What We Could Be” ay kita na namin ang kanilang feelings.

Buong pagmamalaking sinabi ni Miguel na masaya at proud siya dahil ang bagong TV series ng GMA 7 ang unang lead role ni Ysabel at base sa ginanap na advance screening sa pilot week ay bidang-bida ang aktres.

Mahusay umarte ang baguhang aktres bukod pa sa ang ganda-ganda niya sa screen kaya sana’y bigyan siya ng mas challenging projects ng GMA dahil nakasisiguro kami na kaya niyang gampanan ito.

In two or three years time, malaki na ang pangalan ni Ysabel kung maaalagaan siya nang husto ng Siyete. Sobrang thankful ang dalaga sa rumored boyfriend niyang si Miguel dahil sa suporta at pag-aalaga sa kanya.

“It’s been so grateful na sa first lead role ko kasama ko si Miguel dahil sobrang laking tulong niya for me,” sambit ng dalaga.

Maganda ang pilot week ng serye bilang isang nurse si Ysabel ni Celeste Legaspi na super sungit at family friend naman ng pamilya ni Miguel.


Ipinagmamalaki ng aktor ang serye nila dahil, “Excited kami na mapanood siya sa TV kasi, actually, medyo technical side ito kasi 16×9 na kasi ‘yung series, sobra-sobra sa series.”

Mula naman sa aktres, “Yes, I think this is the first time na mag-adopt ang GMA na 16 X 9 ratio na movie, so, that’s really exciting and grabe.”

Nauuso na yata ang movie-serye ngayon sa TV na sinimulan ng “Suntok sa Buwan” series nina Aga Muhlach at Elijah Canlas na umeere ngayon sa TV5.

“Parang ganu’n ang treatment na ginawa namin and ngayon lang namin nakita nang ilatag na lahat ang mga eksena na para kang nakasakay sa surf board na kung anu-ano ‘yung nararamdaman mo,” kuwento ni Miguel.

Dagdag ng dalaga, “I’m so grateful and so proud of what we were able to produce.”

Inaming inspirado si Miguel habang sinu-shoot nila ang serye kaya natanong namin kung revelation na ito sa relasyon nila ni Ysabel.

“Well, lahat naman po tayo puwedeng maging inspired, hindi naman kailangang maging mag-dyowa. Crush? Yes, sino ba namang hindi.

“Isa po ‘yun sa mga dahilan kung bakit po ako inspired sa project na ito pero isa rin ‘yun rule sa sarili ko na everytime mag-work ako kailangan inspired ako and thankfully isa si Ysabel sa nagbibigay ng inspirasyon sa akin,” pagtatapat ng aktor.

Abangan ang serye ng dalawang Kapuso stars mula sa GMA 7 at Quantum Films.

https://bandera.inquirer.net/281877/miguel-tanfelix-sa-pagiging-leader-ng-voltes-v-sobrang-nape-pressure-ako

https://bandera.inquirer.net/286787/bl-actor-hinaras-nga-ba-ng-direktor-kaya-magdedemanda

https://bandera.inquirer.net/309832/ashley-ortega-inatake-ng-matinding-takot-dahil-kay-carmina-pero-super-sweet-pala-siya-at-napaka-humble

Read more...