DIRETSAHANG inamin ng dating Hashtags member na si McCoy de Leon na hindi madali ang magkaroon ng sariling pamilya dahil sa iba’t ibang challenges na kakambal nito.
Mas naiintindihan na ngayon ng aktor at celebrity dad ang tunay na essence ng pagiging partner ni Elisse Joson at ang pagiging tatay ng panganay nilang si Baby Felize.
So far, so good naman daw ang pagsasama nila ni Elisse at habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay mas lalo pang naging solid ang relasyon nila at mas marami pa silang nadidiskubre sa ugali ng isa’t isa.
Sa nakaraang presscon ng bago niyang project ngayon, ang horror movie na “Deleter” mula sa Viva Films, kasama sina Nadine Lustre at Louise delos Reyes, nakumusta nga ang kanyang pamilya.
“We’re all okay. Elisse and I are both more mature, more aware of our responsibilities for our family.
“May challenges na dumarating but ‘yung happiness na dulot ng baby namin compensates all the hardships that’s part of our journey,” tugon ni McCoy.
Aniya pa, “We are all thankful for all the help extended by our respective families. Malaking tulong talaga sila sa amin.”
Samantala, inamin din ni McCoy na may ilang pelikula na in-offer sa kanya ang Viva pero tinanggihan niya dahil ang feeling niya, hindi ito babagay sa kanya.
“May projects na talaga na happy ka pati sa role na ipapagawa sa ‘yo, like yung past projects ko sa Viva gaya ng ‘Puto’ with Herbert Bautista and ‘yung ‘Habangbuhay’ namin ni Elisse.
“But may times talaga na nagso-sorry ako kay Boss Vic del Rosario, sabi ko, di ko magawa kasi di po ako masayang gawin.
“I want movies na hindi lang ako masaya kundi makakatulong sa growth ko bilang aktor. Yung may iba namang makikita sa akin at tatatak sa viewer.
“I’m glad they understand me naman. But when they pitched ‘Deleter’ to me, I grabbed it right away and I’m very thankful ako pati sa role na ibinigay nila akin,” paliwanag niya.
Kung hindi kami nagkakamali, nagsimula na ang shooting ng “Deleter” na isinulat at ididirek ng award-winning young filmmaker na si Mikhail Red.
“I got really excited because it will be my first time to work with Nadine, and also with our other co-star, Louise. Nagkasama na kami ni Nadine sa ‘Showtime’, but it’s our first time to act together in a movie.
“It’s also nice to work again with Direk Mikhail na nakasama ko naman before sa horror flick na ‘Block Z’ which we did for Star Cinema,” kuwento ni McCoy.
Chika pa ng aktor, “When I found out na kami ni Nadine, maraming scenes na magkasama kami, naghanap ako ng mga pictures niya sa internet at tinitigan kong mabuti. Para kapag nagkaharap na kami, hindi ako mabigla at baka hindi ako makaarte. Alam kong best actress winner na siya, e. Ha-hahaha!”
Sa “Deleter” gaganap siya bilang Jace, “He’s a carefree, happy go lucky office worker na kasama nina Nadine as Lyra and Louis as Alieen sa trabaho.
“We work in a shadowy content moderators online. Ang trabaho namin is to moderate or filter ‘yung videos na dumaraan sa amin to remove any disturbing images before they are posted on various social media platforms,” sey pa ng partner ni Elisse.
Patungkol naman sa direktor nilang si Mikhail Red, “Nakatrabaho ko na siya and I know he aims for quality. Familiar ako sa lahat ng works niya and they are all unique.
“So when they were asking, do you have any questions, sabi ko, wala, wala po akong questions, gusto ko lang pong gawin na agad ang movie. Basta si Direk Mikhail, kahit extra lang ako, willing akong gawin,” lahad pa ng aktor.
https://bandera.inquirer.net/313390/mccoy-umaming-planong-layasan-ang-pinas-kasama-si-elisse-lagi-ko-siyang-gustong-itakas-sa-ibang-bansa
https://bandera.inquirer.net/309919/mccoy-laging-tinatanong-kung-kailan-pakakasalan-si-elisse-ayaw-naming-biglain-ayaw-naming-madaliin
https://bandera.inquirer.net/311244/elisse-ibinuking-kung-bakit-nai-stress-pa-rin-si-mccoy-kahit-may-mga-negosyo-at-2-building-na