Vice sa laging pag-o-overtime ng ‘Showtime’: Nakakahiya…walang kadisi-disiplina ang mga kasamahan ko!

Ang mga host ng 'It's Showtime'

Ang mga host ng ‘It’s Showtime’

HUGOT kung hugot ang naging pahayag ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda patungkol sa palaging pag-o-overtime sa ere ng “It’s Showtime.”

Ito’y may konek nga sa pagiging top trending topic kamakailan ng Kapamilya noontime show dahil sa biglang pagputol sa isang episode nito habang ipinalalabas sa TV5.

Lumagpas na naman kasi sa takdang oras ang programa dahil bilang blocktimer lang ang ABS-CBN sa TV5, allowed lang ang “It’s Showtime” na umere mula 12:45 nang tanghali hanggang alas-3 nang hapon.

At sa latest vlog nga ni Vice na in-uploade nitong nagdaang July 24, nagpa-tour ang comedian ng newly renovated studio ng “It’s Showtime.”

Ipinakita rito ng TV host ang LED screen na nakapuwesto ng DJ booth, na ginagamit bilang teleprompter ng mga hosts. Aniya, “mahalagang-mahalaga” raw ito para sa kanilang lahat na nasa programa.

“Puwedeng tanggalin yung DJ Booth, puwedeng tanggalin yung LED walls diyan, pero ito, hindi pwedeng tanggalin.

“Dahil diyan lumalabas kung overtime na ang Showtime! Because Showtime is overtime, ganoon!” chika ni Vice.

Patuloy pa niya, “So, nakikita niyo naman sa loob ng ilang taon, ako ho talaga yung dahilan para ma-control ko yung pag-o-overtime nila dahil walang kadisi-disiplina yung mga kasamahan ko.

“Walang ginawa kung hindi magngangawa nang magngangawa nang magngangawa, wala nang katorya-torya yung sinasabi nila.

“Nag-o-overtime talaga, nakakahiya sa susunod na programa. No-no talaga sa akin iyan, that’s very unprofessional,” talak pa ng komedyante.


Kasunod nito, biglang nagbago ang itsura ni Vice at ngumiti nang tila nang-aasar. Joke, joke, joke nga lang kasi ang litanya niya sa vlog patungkol sa palaging pag-o-overtime ng kanilang noontime show.

Dahil kadalasan daw ay siya talaga ang dahilan kung bakit lumalagpas sa airing time ang “Showtime.”

“Wahahaha! Telege be??” hirit ni Vice kasabay ng pagsigaw sa background ng, “Pasimuno ka nga, meme!”

Nagsimulang mapanood sa TV5 ang “It’s Showtime” noong July 16, na ka-back to back” ng “Tropang LOL” mula naman sa Brightlight Productions.

https://bandera.inquirer.net/319441/vice-ganda-pinalagan-nga-ba-si-bayani-agbayani-sa-isyung-overtime
https://bandera.inquirer.net/284265/vice-umaming-nagkaproblema-sa-pagpapatawa-omg-kinakalawang-yata-ako

https://bandera.inquirer.net/298432/wish-ni-lolit-solis-kay-kris-sana-nga-si-mel-sarmiento-na-ang-forever-niya

Read more...