Sister ni Kyle Echarri na may brain tumor sumailalim sa surgery: So far, all is well…

Kyle Echarri at Isabella Echarri

BABALIK sa Amerika ang Kapamilya young singer-actor na si Kyle Echarri para personal na kumustahin ang kapatid na may karamdaman.

Ibinalita ng binata sa kanyang fans at social media followers noong nakaraang buwan na na-diagnose ang kapatid niyang si Isabella ng brain tumor.

Inilihim pa nga raw ito sa kanya ni Isabella dahil ayaw daw siya nitong mag-alala at ma-stress habang nagtatrabaho.

Sa isang panayam, nagbigay ng update si Kyle tungkol sa health condition ng kanyang sister na nananatili pa rin sa Amerika para sa tuluy-tuloy nitong pagpapagamot.

“Naghihintay pa rin kami, nasa States siya ngayon. Babalik ako very, very soon para kitain siya saka ang pamilya ko. But as of the moment, she’s doing better than she was a couple of days ago. I’m happy.


“Ngayon tapos na yung radiation. We had to have a surgery for her, but all is well. So far, all is well. Naghihintay na lang kami sa recovery niya and everything,” pahayag ni Kyle sa nasabing interview.

Todo naman ang pasasalamat ng binata sa mga kaibigan niyang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pati na rin sa iba pa nilang tropa na sina Joshua Garcia at Ria Atayde.

“Mahal na mahal ko ang dalawang yun (KathNiel) napakatotoong tao. Nagpapasalamat ako sa kanila, I love them,” papuri pa ng aktor sa celebrity couple.

Samantala, sa presscon naman ng bago niyang digital series na “Beach Bros” natanong si Kyle kung anong bahagi ng kanyang career ang masasabi niyang “life-changing.”

“When it comes to life-changing, I think one of the most life-changing (moments) besides the start of the Gold Squad was this year for me,” chika ng binata.

Aniya, nang dahil sa Gold Squad kung saan nakasama niya sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at ang dati niyang ka-loveteam na si Francine Diaz, napakarami niyang natutunan sa mundo ng showbiz.

“Lagi kong sinasabi ‘yun, I wouldn’t be in this position without the three of them. Besides that, this year, I felt that this was one of the biggest years.

“Madami rin pong nangyari last year, 2021 was like a rollercoaster. It was the ending or a four, five-year love team. Like I said, I am always thankful for it. This year is my way to try to prove myself,” dagdag pang chika ng leading man ng sexy and hot Calendar Girl na si Chie Filomeno.

Sa tanong naman kay Kyle kung ano ang pagkakaiba ng boys sa men, “Para sa akin, hindi manggagaling sa iba, mangaggaling sa sarili mo kapag ready ka na, when you can really call yourself a man. It’s not about age ‘pag masasabi mong ready ka nang tumayo.

“Independence is very important and the way you carry yourself towards people,” diin pa niya.
Napapanood na ang “Beach Bros” sa iWantTFC kung saan ka-join din sina Angelica Lao, Kira Balinger, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan at Lance Carr.

https://bandera.inquirer.net/280249/kyle-echarri-inihanda-ng-pandemya-para-mas-maging-palaban-sa-buhay

https://bandera.inquirer.net/299135/chie-umamin-na-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-kyle-yung-sa-amin-kasi-its-a-special-bond

https://bandera.inquirer.net/314419/kyle-echarri-masaya-sa-tambalan-nina-francine-at-seth-alam-naman-ng-management-kung-anong-ikabubuti-namin

Read more...