SINIGURO ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na wala nang magaganap na COVID-19 lockdown sa bansa sa kabila nga ng muling pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng virus nitong mga nagdaang araw.
Sa kanyang kauna-umahang State of the Nation Address (Sona) ngayong araw na ginanap sa Batasan Pambansa s Quezon City, isa sa mga tinalakay niya ay ang patuloy na pakikipaglaban ng Pilipinas sa COVID-19.
Kasabay ng pangakong hindi na ila-lockdown ang Pilipinas, plano rin ng Pangulo na makapagpatayo ng vaccine institute at center for disease control and prevention.
“‘Di na natin kakayanin ang isa pang lockdown. Wala na tayong gagawing lockdown. Dapat nating balansehin nang maayos ang kalusugan at kapakanan ng ating mga mamamayan sa isang banda at ang ekonomiya sa isa namang banda,” pahayag ni Pangulong Bongbong.
Kailangan daw mas palakasin pa ang healthcare system at makapagpatayo ng mas marami pang ospitals, clinics ay regional health units sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“The need for a stronger healthcare system is self-evident. We must bring medical service to the people and not wait for them to come to the hospital and healthcare centers,” aniya pa.
Ipinagdiinan din ng Presidente ang pagpapababa sa presyo ng medical drugs. Aniya nakikipag-usap na ang Department of Trade and Industry sa mga generic brand manufacturers hinggil dito.
Bukos dito, inatasan na rin niya ang Department of Health at Department of the Interior and Local Government para magsagawa muli ng “rollout of booster shots” bilang paghahanda sa pagbabalik ng mga estudyante sa in-person classes.
Marami naman ang umasa na papangalanan na ni Pangulong Bongbong ang bagong Kalihim ng Department of Health ngunit wala nga siyang nabanggit sa kanyang Sona hinggil dito.
Kaya naman mananatili bilang officer-in-charge ng DOH si Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na siyang nagsilbing spokesperson ng ahensiya nitong nagdaang dalawang taon.
Samantala, patuloy pa ring ipatutupad ng pamahalaan ang alert level system sa bansa hinggil sa patuloy na paglaban sa pandemya.
https://bandera.inquirer.net/301933/hugot-ni-pia-wurtzbach-sa-2022-time-is-non-refundable-we-need-to-use-it-wisely
https://bandera.inquirer.net/281042/jc-santos-nagplano-nang-maging-delivery-boy-nung-kasagsagan-ng-lockdown
https://bandera.inquirer.net/281034/janine-atat-na-atat-nang-manood-sa-sinehan-jc-magta-travel-abroad-pagkatapos-ng-lockdown