TULAD ng inaasahan, agaw-eksena na naman ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista sa pagrampa nito sa opening session ng Senado kaninang umaga.
Talagang napalingon ang lahat ng dumalo sa pagsisimula ng 19th Congress ang aktres para samahan ang asawang si Sen. Francis “Chiz” Escudero.
Suot ni Heart sa event ang kanyang all-white Filipiniana na likha ni Mark Bumgarner, base na rin sa litratong ipinost niya sa Instagram. In fairness, kahit simple lang ang OOTD ng aktres ay sosyal na sosyal at elegante pa rin ang dating nito.
Hindi rin naman nagpatalo ang kanyang hubby na si Sen. Chiz nang dumating sa compound ng Senado with his sosyaling Barong Tagalog.
Ang pagsisimula ng 19th Congress ang hudyat ng pagababalik ni Chiz sa Senado matapos magsilbing governor ng Sorsogon mula 2019 hanggang 2022.
Pagkatapos ng unang session ng Senado, didiretso na ang mga senador sa Batasang Pambansa para sa kauna-unahang State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..
Inaasahan ang pagsisimula ng Sona sa ganap na alas-4 ng hapon. Bukod sa pamilya at malalapit na kaibigan ni Pangulong Bongbong, kabilang din sa mga imbitado sa event ay ang mga dating pangulo ng bansa at mga foreign dignitaries.
Bago pa man maganap ang Sona at ang pagbubukas ng 19 Congress, talagang tinapos at kinumpleto ng House of Representatives ang P100-million renovation ng Batasang Pambansa.
At bilang bahagi ng seguridad sa unang SONA ni BBM, mobile phone signal will be jammed a few hours before the president delivers his speech.
Magiging “no fly zone” din ang Batasang Pambansa Complex sa buong araw ng Lunes.
Bukos dito, lahat ng papasok sa venue ay kailangang mag-present ng negative antigen test result, habang ang mga papasok naman sa plenary hall ay hihingan ng negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test result.
Nauna rito, sinabi na ni Direk Paul Soriano na “simple and traditional” ang nais ni BBM para sa kanyang first SONA.
“I am grateful and honored for this rare opportunity. Anytime the President needs me, I will deliver and do my best,” pahayag ng mister ni Toni. “It will be simple and traditional and will focus on his message.”
Katuwang niya sa pagdidirek ng Sona ang kanyang long-time creative collaborator na si Odie Flores, na isang cinematographer.
Sabi pa ni Direk Paul, “The President is hands-on in the crafting of his speech which will be concise, clear and direct to the point.”
https://bandera.inquirer.net/313062/robin-sa-pagiging-no-1-sa-senatorial-race-wala-po-akong-makinarya-at-pera-hindi-ko-po-inaasahan-ito
https://bandera.inquirer.net/302601/sikat-na-aktor-pinapatulan-na-kahit-anong-role-para-lang-kumita-at-mabuhay-ang-pamilya
https://bandera.inquirer.net/302905/alodia-gosiengfiao-may-pak-na-pak-na-hugot-sa-lovelife-hi-ako-nga-pala-yung-sinayang-mo