Kampo ng pinaslang na ex-mayor sa Ateneo campus umalma sa isyu ng ilegal na droga: That is not true!

Chao-Tiao Yumol at Rosita Furigay

NAGLABAS na ng official statement ang pamunuan ng Ateneo de Manila University hinggil sa naganap na madugong pamamaril sa loob ng kanilang campus sa Quezon City kahapon ng umaga, July 24.

Tatlo ang kumpirmadong nasawi sa insidente kabilang na ang dating mayor ng Lamitan City sa Basilan na si Rosita Furigay na umano’y siya talagang target ng suspek na kinilalang si Dr. Chao-Tiao Yumol.

Ayon kay Quezon City police chief Remus Medina, ang dalawa pang nasawi ay sina Jeneven Bandiola, isang security guard sa ADMU na idineklarang dead on arrival sa Quezon Memorial Medical Center, at ang executive assistant ni Furigay na si Victor George Capistrano.

Agad namang naaresto ang suspek ng mga runespondeng alagad ng batas at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Quezon City Police Department.

Kasunod nito, nag-issue na nga ng opisyal na pahayag ang ADMU hinggil sa nahanap na pamamaril sa loob ng campus.

“Ateneo de Manila University strongly condemns the shooting incident at Areté, Loyola Heights campus on Sunday afternoon, 24 July 2022.

“Three people were killed, while two others have been injured, including the suspect. Thankfully, the suspect was apprehended by the police shortly after, and is now in the custody of the Quezon City Police District.

“The incident occurred around an hour before the start of the 2022 commencement exercises of the Ateneo de Manila School of Law at Areté, which was subsequently canceled.

“It has robbed the members of the Law School class of 2022 of what was supposed to be a joyous celebration. The University and the Law School administration are assisting students, staff, and guests who are dealing with trauma from the incident.

“The Loyola Heights campus was immediately secured. The University assures the community that its campuses are safe, and security protocols are now being reviewed and strengthened further.

“Ateneo is thankful for the swift response and assistance of law enforcement and local government personnel. Ateneo will continue cooperating with the authorities in the investigation of this incident,” ang nakasaad sa official statement ng unibersidad.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang PNP tungkol sa tunay na motibo ng suspek sa pagpatay sa mga biktima ngunit sa inisyal na ulat, posibleng may bahid ng politika ang pagpatay sa dating alkalde.

Ito’y matapos ngang kumalat ang balita na gumawa umano ng video si Dr. Chao-Tiao Yumol, kung saan inakusahan nito si Rosita Furigay at ang asawa nitong si Oric Furigay na sangkot daw sa ilegal na droga sa kanilang lugar.

Base sa mga social media post ng suspek, solid supporter ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Yumol at kritiko ni dating Vice President Leni Robredo.

Ayon naman sa abogado ni Furigay na si Quirino Esguerra, matagal nang galit ang suspek sa biktima, “This all started when he was operating an infirmary clinic.

“The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao [BARMM] issued a cease and desist order. Because Lamitan City is included in BARMM, it was (former) Mayor Rose Furigay who implemented it.

“When she implemented that order from BARMM, doon nagalit itong si Dr. Chao-Tiao Yumol,” aniya pa.
Mariin din niyang pinabulaanan na involved sa droga ang dating alkalde, “That is not true. Lamitan City is an awardee for 4 consecutive times of the seal of good local governance.”

https://bandera.inquirer.net/319579/ex-mayor-ng-lamitan-basilan-2-pa-patay-sa-pamamaril-sa-ateneo-de-manila-campus-1-estudyante-sugatan-pbbm-shocked

https://bandera.inquirer.net/280743/24-kolehiyo-unibersidad-pinayagan-nang-magsagawa-ng-limited-face-to-face-classes

https://bandera.inquirer.net/293146/toni-binuweltahan-ng-ateneo-martial-law-museum-dahil-sa-bongbong-vlog-mas-dapat-daw-interbyuhin-ang-mga-biktima

 

Read more...