PUMANAW na ang veteran comedian at tinaguriang “Mr. Bean” ng Pilipinas na si Carlos “Caloy” Alde. Siya ay 60 years old.
Kinumpirma ng ilang celebrities na malapit sa beteranong komedyante ang malungkot na balita sa pamamagitan ng mga mensahe ng pakikiramay sa social media.
Wala pang official statement ang asawa ni Caloy na si Rhoda Porral-Alde at anak na si Marley hinggil sa pagpanaw ng komedyante pero makikitang itim na ang display photo sa kanyang Facebook.
Nagbahagi rin siya ng quote card mula sa FB group World of Prayers, kung saan nakasaad ang dasal sa Panginoon tungkol sa paghingi ng lakas at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok.
Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay sa social media mula sa mga nakasama at nakatrabaho niya sa mundo ng howbiz kasabay ng pasasalamat sa lahat ng magagandang alaala na iniwan ng komedyante.
Post ng aktor na si Alwyn Uytingco, “’I love nature.’ Ang joke mo na di ko malilimutan. Salamat, kuya Caloy Carlos Alde.”
“#RIP Kuya Caloy Carlos Alde… wala ng sisigaw ng tape rolling, sabay pagulong ng masking tape. Wala na din pustiso na itatago ni Kuya Long… Wala na ka-jamming si Empoy sa pag nap…Condolences to the whole Alde family. #Ogag #LokoMoko #TropaMoko,” ang mensahe naman ni Cha Cunanan.
Ayon naman sa post ni Raffy Calicdan, “Isa sa pinaka-tinitingala ko sa entertainment industry, walang tulad ang comedy mo, isang karangalang makatrabaho ang isang katulad mo kuya Caloy, Carlos Alde aka OGAG ng Pinas!!
Maraming salamat sa mga masayang ala-alang nabigay mo sa aming lahat! Isa kang alamat!!! Rest in Peace kuya Caloyski!!!”
“Nakakalungkot na unti lang nakakaalam ng pagkamatay mo kahit maraming tao ang iyong pinatawa. Salamat sa lahat ng halakhak Caloy. Ang nagiisang Ogag ng Pinas. Rest in Peace Carlos Alde,” ang pahayag naman ni Jay Sario.
Binansagang “Mr. Bean of the Philippines” si Caloy na kilala rin bilang “Ogag” (gago kapag binasa ng pabaliktad) matapos siyang bumida sa comedy show noon ng TV5 na may kaparehong titulo.
Kung matatandaan, dalawang taon na ang nakararaan, isinugod si Caloy sa isang ospital sa Fairview, Quezon City dahil sa kanyang heart condition.
Ang kaibigan niyang komedyante rin na si Gene Padilla ang nagbigay noon ng detalye tungkol sa health condition ni Ogag.
“As per his wife Rhoda, minanas na si Caloy dahil sa enlargement of the heart at may tubig siya sa lungs. Baka i-dialysis din siya dahil hindi maganda ang lagay ng kidney niya,” aniya.
Kasunod nito, binuo nga ng grupo ni Gene ang COVIDYANTE, na ang pinaka-objective ay ang makapagbigay ng assistance sa mga COVID-19 frontliners at mga kapwa comedian na tinamaan ng killer virus.
Kasama rin sa GRUPO COVIDYANTE sina Joey Marquez, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Michael V., Herbert Bautista, Vhong Navarro, Paolo Contis, Dennis Padilla, Bayani Agbayani, Kim Molina, Jerald Napoles, at Ai Ai delas Alas.
Ilan sa mga unang naging beneficiary ng grupo ay ang mga komedyanteng sina Dagul, Mahal (RIP) at ang beteranong aktor na si Boy Alano na pumanaw na rin nitong nagdaang July 23 sa edad na 81.
https://bandera.inquirer.net/301739/babala-ni-dennis-sa-mananakit-sa-mga-anak-gaganti-ako-hindi-na-ako-comedian-nun-action-star-na-ako
https://bandera.inquirer.net/309736/carlo-sa-posibleng-pagbabalikan-nila-ni-trina-kung-anong-ibigay-ng-universe-siyempre-yun-ang-nakasulat-sa-palad-natin
https://bandera.inquirer.net/307174/carlos-agassi-nagka-freak-gym-accident-kukunin-ko-pa-lang-yung-weights-nadulas-na-ako