BENTANG-BENTA sa maraming netizens ang “Lolong” filter mula nang ilabas ito ng GMA 7 online kasabay ng paghataw sa ratings game ng nasabing primetime series.
Sa pamamagitan kasi ng filter feature na ito sa Instagram at Facebook, magta-transform ang mukha ng nasa screen sa isang buwaya tulad ni Dakila, ang kaibigan ni Lolong sa serye.
Mismong si “Lolong” lead actor Ruru Madrid ay sumubok na gamitin ang filter na ito.
“Sobrang nakakagulat. Parang nagta-transform sila maging si Dakila or maging crocodile sila so ang galing na may gano’n na tayong klaseng technology,” pagbabahagi ni Ruru sa interview ng GMA.
Game na game rin ang mga co-star ni Ruru na sina Paul Salas, Shaira Diaz, Arra San Agustin, at Marco Alcaraz sa paggamit ng Lolong filter na pinusuan ng kanilang mga followers online.
Bukod sa filter, panalo rin sa mga bata ang serye ng GMA Public Affairs. May mga nag-upload nga ng video ng kanilang mga anak na ginagaya si Lolong sa kanyang stunts habang ipinagtatanggol ang kabutihan, habang sa caption ay sinasabing idol daw ng anak nila si Lolong.
May picture naman ng bata na ayaw nang umalis sa harap ng TV screen dahil tutok na tutok ito sa “Lolong.”
Kaya naman hindi na kataka-taka na ilang linggo nang tinatalo ng “Lolong” ang mga katapat nitong programa. Pero sabi nga ni Ruru, simula pa lang ng kuwento ni Lolong at marami pang dapat abangan ang viewers.
Mapapanood ang “Lolong” gabi-gabi pagkatapos ng “24 Oras.”
* * *
Handa nang magpakilig at maghatid ng good vibes sa mga Kapuso ang pinakabagong serye na “What We Could Be” na mapapanood na ngayong Agosto.
Bago mapanood sa “Voltes V Legacy”, magtatambal muna sa nasabing serye ang Sparkle stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega. Kukumpleto naman sa kanilang love triangle ang Kapuso actor na si Yasser Marta.
Ang programang ito ang kauna-unahang collaboration ng GMA Network at Quantum Films na kilala sa paggawa ng box-office movies gaya ng “English Only Please,” “#WalangForever” at “Ang Babae Sa Septic Tank.”
Ang “What We Could Be” ay isang feel-good series na swak sa millennials at pang-pamilya rin. Umiikot ang kwento nito sa pag-abot ng mga pangarap, paghahanap sa sarili at pakikinig sa tunay na tinitibok ng puso.
Abangan ang kilig serye na ‘yan ngayong Agosto sa GMA Telebabad.
https://bandera.inquirer.net/316466/ruru-madrid-emosyonal-sa-presscon-ng-lolong-muntik-nang-sumuko-napilay-ako-napako-lahat-po-pinagdaanan-namin-dito
https://bandera.inquirer.net/317717/ruru-sa-totohanang-action-scenes-nila-ni-paul-sa-lolong-maraming-beses-po-talagang-nagkasakitan-kami
https://bandera.inquirer.net/307460/ruru-madrid-naaksidente-sa-taping-ng-lolong-napuruhan-ang-kanang-paa-im-very-sad