NAKAABOT na sa Kapuso comedienne na si Rufa Mae Quinto ang kanyang viral photo na nakasuot ng toga ng Ateneo de Manila University.
Maraming netizens ang nag-react sa nasabing litrato nang bumandera ito sa social media kamakailan, ang ilan pa nga ay inakalang totoong nagtapos nga siya sa kolehiyo.
Kumalat nga ang “graduation photo” ni Rufa Mae sa socmed at ginawan ng mga memes ng ilang netizens hanggang sa makita na ito ng komedyana.
In fairness, hindi naman na-offend o napikon ang celebrity mom sa mga nakita niyang memes hinggil sa kanyang photoshopped na graduation picture suot ang toga ng Ateneo de Manila University.
Sa kanyang Instagram account, nagkomento si Rufa Mae hinggil dito at sinabing yung “toga” lang daw ang peke sa nasabing litrato dahil ang totoo, isa talaga siyang achiever sa school.
“Back to school na naman guysh. Yes! Cum laude daw. Katuwa naman. Go go gold medalist your honor like honor student. To be honest, itong toga lang po ang joke,” pahayag ni Rufa Mae.
Aniya, naging honor student din siya noong high school at sa katunayan, naging valedictorian din siya sa kanilang klase noon sa St. Vincent School.
“Actually I’m an honor student in high school. Hinde po joke yun. Totoong First honor po ako sa St. Vincent school.
“Thanks school for giving me the medal. Go go gold! Todo na to!” chika pa ng Kapuso star.
* * *
Marami ang nakapansin sa mahusay na pagganap ng Sparkle star na si Klea Pineda sa kanyang first ever kontrabida role bilang si Golden Eye sa top-rating GMA primetime series na “Bolera.”
Pinagbibidahan ito nina Kylie Padilla, Jak Roberto at Rayver Cruz with Jaclyn Jose and Joey Marquez.
Talagang epektibo ang pag-arte ni Klea dahil sa dami ng mga manonood na naiinis at nabubwisit sa kanyang karakter.
Patunay na rito ang komento ng ilang netizens sa Facebook page ng GMA Network. Sabi ng isang viewer, “Ang taray mo as Golden Eye grabe sarap sabunutan! Galing gumanap! Mahusay ka, idol!”
Ayon pa sa ilang loyal Kapuso viewers, na-stress daw sila dahil sa galit kay Golden Eye. Nag-reply naman sa comment section si Klea at pabirong sinabi na, “Wag na kayo galit sa akin, sorry na.”
Napapanood ang “Bolera”, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “Lolong” sa GMA Telebabad.
https://bandera.inquirer.net/292002/rufa-mae-sa-epekto-ng-pandemya-parang-naging-horror-film-ang-buhay
https://bandera.inquirer.net/287364/rufa-mae-napabayaan-ang-sarili-inatake-ng-depresyon-sa-us-pero-lumaban-ako-at-kinaya-ko
https://bandera.inquirer.net/285199/dingdong-tinupad-ang-kabilin-bilinan-ng-magulang-matinding-hirap-ang-dinanas-bilang-working-student