Hirit ni RR Enriquez kay Aljur Abrenica: Gusto mo anak nang anak agad, panget ka ka-bonding…char!

RR Enriquez, Aljur Abrenica at AJ Raval

SUMAWSAW na ang starlet na si RR Enriquez sa controversial issue na nabuntis diumano ni Aljur Abrenica si AJ Raval.

Bagama’t dalawang beses nang itinanggi ni AJ na buntis siya, ayaw pa ring mamatay-matay ang issue.

Isa si RR sa mga sumawsaw sa chikang buntisan. Sa isang napakahabang post sa kanyang Instagram, parang kinastigo pa nito si Aljur.

“Ang daming sasawsawan na issue!! Ang saya saya CHAR!!

“Lalo tuloy ako nainspire sumawsaw dahil sa guesting ko kahapon sa @tropanglol as one of their celebrity player for MARITEST.

“Nag enjoy ako sa game na yun at nanalo ako ng 40thousand pesos!!

“Oh diba napakinabangan ko ang pagiging sawsaweRRa!? Baka next thing you know mag balik na ako sa showbiz as one of SawsaweRRa Queen palit kay Manay Lolit at Manay Cristy.

“Mindset ba mindset! More income more fun CHAROT. Syempre walang papalit sa mga yun.” ‘Yan ang paunang aria ni RR.


“On a serious note if totoo man ito….My goodness gracious….. Blessing naman talaga ang baby. Pero gaya nga ng sinabi ko the other day, sana kung kaya naman. Please don’t rush na mag asawa or mag pabuntis.

“Think about your future first… May ipon na ba? Nakapag pundar na ba? Well hindi ko naman sinasabing katapusan na ng mundo mo if nag asawa ka ng bata at nag anak ka ng bata.

“But what I’m trying to say is, limitado na ang bawat kilos at galaw mo coz you don’t decide for yourself anymore. You have to think about your partner (or if single parent) you have to think of your kids before making a drastic decisions… Yun lang. Ang daming iku consider.

“Kaya ang pag aasawa at pagbi baby naniniwala ako na dapat pinaplan talaga.. Kaya nga may family planning CHAR,” dagdag pa niya.

And then, tila pinatutsadahan nga niya si Aljur.

“Ito naman si Aljur kung totoo man yan, nakakalowkah ka! Ang hirap mo maging jowa. Gusto mo anak ng anak agad. Panget ka kabonding CHAR!

“Anyways bahala kayo decission nyo yan.. malalaki na kayo… Bye!” sabi pa ni RR.

https://bandera.inquirer.net/293679/rr-enriquez-sa-bashers-pakialam-ko-sa-inyo-basta-masaya-ako-sa-ginagawa-ko
https://bandera.inquirer.net/319131/hirit-ni-rr-enriquez-hindi-dapat-ipangalan-kay-marcos-ang-naia-it-will-only-divide-us
https://bandera.inquirer.net/293553/rr-enriquez-bumilib-kay-baron-ang-galing-ni-god-sa-buhay-mo

Read more...