Zoren Legaspi, Lianne Valentin halos ‘isumpa’ ng Kapuso viewers; Lyca Gairanod mapapanood na sa GMA 7

Lyca Gairanod, Lianne Valentin at Zoren Legaspi

PASABOG kung pasabog ang pinakahihintay ng Kapuso viewers na biggest revelation sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit.”

Unti-unti nang bumabalik sa katinuan si Gemma (Maricel Laxa) habang mas tumitindi naman ang hinala ni Ning (Mikee Quintos) na may kakaibang relasyon sina Stella (Lianne Valentin) at Cesar (Zoren Legaspi). Mabubunyag na nga ba ang kanilang pagtataksil at masasamang plano?

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Lianne ang kanilang behind-the-scene kulitan ni Zoren at pinasabik din ang fans sa mga dapat tutukan sa serye.


“Abangan sa darating na Martes ang pasabog na ikagugulat niyong lahat! Ready na ng gamot pang tanggal ng stress oki?” sabi ng Kapuso actress.

Komento naman ng isang netizen, mahusay umarte at epektibong kontrabida sina Lianne at Zoren, “Gigil na ako sa inyong dalawa! May chemistry ang loveteam na ito. Sana magkaroon ng another teleserye para sa inyo.”

Bukod dito, marami ang nagsasabi na hindi imposibleng manalo ng acting award ang dalawa dahil sa nakakagigil at nakakakulo ng dugong performance nila sa serye.

Subaybayan ang mas marami pang maiinit na eksena sa “Apoy sa Langit”, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood na sa GMA Network si Lyca Gairanod at yan ay mangyayari sa “The Boobay And Tekla Show” ngayong Linggo (July 24).

Sasalang si Lyca sa hot seat segment na “May Pa-Presscon” kung saan ikukuwento niya ang kanyang buhay bilang isang vlogger at artist.

Bukod dito, ipamamalas din ng 17-year-old talent ang kanyang acting skills sa nakakatawang improv segment kasama sina TBATS hosts Boobay at Tekla.


Samantala, sa “The Guess-Sing Game,” dalawang teams ang susubukan na maisahan ang isa’t isa sa panghuhula ng mga kanta habang magsasanib-pwersa sina Lyca at The Clash Season 3 first runner-up Jennie Gabriel sa pagbibigay ng clues sa pamamagitan ng pag-awit.

Magtatapos ang masayang gabi sa muling pagbabalik ng inyong paboritong parody segment, kung saan mapapanood ang nakakatawang take nina Boobay at Tekla tungkol sa viral story ng isang babaeng sinasaniban habang ini-interview on live TV.

Kaya huwag na huwag aabsent sa isa na namang fresh na fresh na episode ng “The Boobay and Tekla Show” tonight via livestream at sa GMA 7 pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

https://bandera.inquirer.net/298448/lyca-binansagang-meme-queen-mensahe-ni-karen-may-plano-ang-panginoon-para-sa-iyo-i-love-you

https://bandera.inquirer.net/316430/under-the-table-scene-nina-zoren-legaspi-at-lianne-valentin-may-14m-views-na-first-lady-loyalists-inaatake-na-ng-sepanx

https://bandera.inquirer.net/298171/ohmygod-karen-lyca-nag-celebrate-ng-birthday-together

Read more...